Tyronne Isang linggo na siyang naghihintay diyan sa labas pero wala akong pakialam. Nangangamba kasi ang puso ko habang tumatagal. Lumapit ako sa may pintuan nang marinig ko ang pagsigaw at pagbalibag ni Kevin sa pinto. Pagkabukas ko ay sinigawan ko agad siya, ni hindi ko man lang tinanong kung ano ang isinisigaw nito. Nang sinabi nitong hinimatay si Tina ay nag-alala ako. Pero hindi ko pinakita ang pag aalalang yon. Pinanatili kong galit ang hitsura ko at inis itong sinigawan. Nang magawi ang paningin ko sa buhat buhat ni Aaron ay walang emosyon ko lang silang tinignan. Kahit na sa kaloob-looban ko ay gusto ko na iting lapitan at ako na ang magdala dito sa hospital. Pero nagsusumiksik sa isip ko ang ginawa nito sa akin. Bumangon ang galit sa dibdib ko. Binalewala ko pa din sila. Bago ak

