"Morning! Scuba diving ba tayo ngayon o baka naman nagbago ang isip mo," nakangiting bungad sa akin ni Fei. Naupo ito sa kama na kinaroroonan ko. "Parang wala ako sa mood, nahilo kasi ako kanina. Resulta ng puyat siguro," saad ko rito. "Handa na ang breakfast natin, tara kain na tayo." "Salamat, Fei. Sa lahat ng mga pagtitiyaga mo sa isang katulad ko," seryosong saad ko kay Fei. Pabirong hinampas ako nito. "Loka! Sino pa ba ang magdadamayan. Halika na." Tumayo na ito, napangiti ako. Mula sa malambot na kama ay bumalikwas ako ng bangon at nag-inat. Dumiretso na ako sa banyo para maligo, muli napasulyap ako sa sofa. Napangiti ako nang makita ang ilang damit na inihanda ni Fei. Kaibigan ko nga talaga si Fei. Napaka-swerte ko. Pagkatapos maligo at magbihis, dumiretso na ako sa baba a

