Napangiwi sa'kin si Fei. Palibhasa'y hindi nito maatim ang sobrang asim na mangga na kinakain ko, with bagoong. Sarap kaya! "Ang weird pala talaga 'pag buntis, jusko!" palatak ni Fei at nagmamadali na itong pumasok sa loob ng rest house. Naiwan ako sa hardin na panay ang kain ng hilaw na mangga. Masasabi kong, pang-apat na mangga na itong kinakain ko. Pagkatapos ko rito ay magpapahatid ako sa DFI building. Yes, kailangan kong umapak doon para manmanan ang mga kakaibang kilos at galaw ni Orson. Kailangan ko pang kontakin ang FDIC. Kailangan kong protektahan ang pera sa kompanyang pinaghirapan kong ibangon. Pagkatapos kung kumain ay pumasok na ako sa loob at dumiretso sa sink lababo para maghugas ng kamay. Pumanhik sa taas at tinungo ang banyo para mag-toothbrush at magbihis ng disente

