Cassandra's POV Naalimpungatan ako ng biglang may sumiksik sa leeg ko. Agad ko itong tinignan at nakita ko ang mukha ng mahal kong Asawa. Hinipo ko ang ulo nito at agad naman akong nagiti dahil wala na itong lagnat. Sinat man siguro ay hindi na siguro babalik. Tumayo na ako para paghandaan siya ng breakfast dahil wala si Manang at nasa US ito. Nagluto lang ako ng bacon, hotdog at itlog. Nakita ko naman na padating na si Jake kaya hinandaan ko na ito ng kakainin niya. Ngumiti lang ito pero saglit lang. Kahit saglit man itong ngumiti ay ayos na ako at ang anak ko dahil gumagalaw ito sa tyan ko. Hindi ko iindahin ang sipa ng anak ko basta makita ko lang na muling ngumingiti ang asawa ko sa akin. "Thank you for taking care of me." basag nito sa katahimikan. "Welcome" maikli

