Naalimpungatan ako sa maingay na katok ni Jake sa kwarto ko. 'Bakit kaya?' Chineck ko kaagad yung phone ko kung anong oras na. Pagtingin ko. Almost 12:22 pm na. Hala kaya pala katok ng katok si Jake. "CASSANDRA WAKE UP, IT'S ALREADY F*CKING NOON. CASSANDRA" tila mabibiyak na kalabog na katok nito. "Teka, Asan ba si Manang?" agad kong bungad dito "She's in vacation today, kaya wag mo nang hanapin si Manang. Tanghali na, Prepare my breakfast now. Aalis ako." "Okay." yun nalang ang tangin nasagot ko dagil iniisip ko kung bakit di nagpaalam sa akin si Manang na magbabakasyon ito. Parang biglaan naman. Pumunta na ako ng kusina para ipagluto ito ng bacon at egg. Sinamahan ko nadin ng coffee kahit tanghali na pero syempre dinagdag ko na ang juice para kung sakali ay hindi ito magreklamo.

