Pag-uwi ko sa bahay ay may nakita akong papeles. Binuksan ko kaagad ito at ng makita ko ay Divorced Paper. Hindi, hindi maari. Paano na lang ako. Paano na ang mga anak ko. Hindi na ako nakatulog dahil sa kakaiyak kahit pagkain ay hindi ko na nagawa. Magdamag akong naghintay sa dalawa. Lalo na sa nalaman ko kahapon. Buo na ang desisyon ko na sasabihin ko ito kay Jake. Mahigpit kong hinawakan ang pregnancy test na nakita ko isang linggo na ang nakalipas. Confirm nga na kay Steph ito. Hindi ko akalain na lolokohin niya rin ang asawa ko. Kilala ko si Jake. Kapag nalaman niya ito panigurado na masisira din ang buhay niya sa mga kamay ni Jake. Kung ako nga na asawa nasasaktan ni Jake, eh ano pa kaya siya na magkakaroon ng anak sa kapatid ng asawa ko pa. Ilang minuto pa ang lumipas

