Sophia's POV Tulala akong nakatingin sa orasan ko at tila kabado ako. Hindi ko alam kung bakit. Para akong nabalisa at pinagpapawisan ng malamig. Ayokong mag-isip pero hindi kaya, haysss. Wag naman sana. "Doc, yung reseta daw po ni Mrs. Gonzaga." sabi ng secretary ko. "Oh, I'm sorry. Ito oh" abot ko sa reseta. "Doc, are you okay? Kay Mrs. Ganiban po ito. Pero okay nadin ito Doc. Ibigay ko na lang kay Mrs. Ganiban" taka niyang tingin sa reseta pero nakabawi din agad. "Oh, I'm really sorry. Wait." napasapo ako ng noo ng wala sa oras. What happen to me. Tss. Nang makita ko na yung reseta ay agad ko naman itong binigay sa kanya. "Thank you Doc." ngiti nito. "Welcome. Anyway, Sorry talaga. Hehe." hingi ko ulit ng pasensya. "No prob Doc. Pahinga ka po muna." ngiti nito. Tumango

