Chapter 27 "Are you getting tired of me? Are you going to leave me?" sunod-sunod kong tanong. Nang hindi siya sumagot ay mas hinigpitan ng babae ang pagkakayakap sa lalaki. "No! Hindi ako papayag," sabi pa nito. "Rian..." tawag niya pa sa pangalan ng babae. Tinanggal niya 'yong kamay nito na nakayakap sa kanya pero hindi siya nagtagumpay doon dahil lalo lang hinigpitan ng babae ang pagkakayakap sa kanya. Ayaw siya nitong pakawalan. Mababakasan sa mukha niya ang takot. Umiling siya. "No! Hindi ako papayag, iiwan mo ako kapag binitiwan kita eh!" The guy sighed. "Rian, ano bang sinasabi mo dyan? Pero bago 'yon, tanggalin mo muna yang kamay mo pwede? Hindi kasi tayo makakapag-usap ng maayos kung nakatalikod ako sa 'yo," pagkasabi niya no'n ay mabilis pa sa alas kwatrong kumilos ang babae

