Chapter 28 Ilang araw na rin simula nang malaman naming buntis ako. Oh well dahil nga sa buntis ako ay todo alaga sa akin si Tusher, bawat galaw ko ay binabantayan niya, tapos may mga araw na ayaw niya akong pagawain ng kahit ano, ayaw niya akong palabasin, may mga oras din na hindi siya pumapasok sa opisina para lang bantayan ako, oh diba? Siya na ang maalagang asawa, nasa kanya na lahat. Pati nga sa mga kinakain ko mahigpit siya eh, dapat ganito, dapat ganyan, hays! Pero kahit naman ganoon siya ay natutuwa pa rin ako, iilan nalang kaya ang mga lalaking ganyan. Buti at matiyaga ang asawa ko sa mga ganitong bagay, dahil kung hindi, baka nayamot na 'yan sa akin at nilayasan ako. Iba rin kasi kapag buntis. Ang challenging, ang daming gustong kainin, emotional, lahat na yata. Nandito ak

