Maaga pa akong gumising para ipagluto si Mira ng soup para sa kaniyang hangover. Hindi ako sigurado kung papasok siya ngayon sa trabaho dahil alam kong pagod pa siya kaya hindi ko na lang muna siya ginising. “Good morning…” Napalingon naman ako nang marinig ko ang malamyang boses ni Mira. “Ang aga mo naman gumising, Mir. Umupo ka muna rito.” “You know, I had to work my ass off, Chan.” Kumuha na ako ng mangkok sabay nilagyan ng soup at ibinigay na rin kay Mira para naman gumaling siya. “Ito oh, higupin mo muna para mawala na ‘yang sakit ng ulo mo…” Nagtaka naman ako kung bakit nakatitig lang si Mira sa soup na ginawa ko kaya napa-upo na lang din ako sa tabi niya at nagulat nang makita ko siyang lumuluha. “Mir? Ayos ka lang ba?” “I missed the time when Mom do something like this for m

