Kanina pa ako nakatitig dito sa daliri ko na hindi talaga maalis ang singsing na sinukat ni Sir Ace. Kung pwede ko lang sana putulin ‘tong daliri ko dahil halata nang kanina pa wala sa mood si Sir dahil dito. “Argh…” Panay pa rin ang subok ko para lang makuha pero ayaw talaga. “S-sir, sorry po talaga…” “It’s okay, hayaan mo na. I bought some spare ring so we’ll just think about how we can get that off your hand, soon.” Marahan na lang akong napatango kay Sir. “O-po, Sir.” Nahihiya pa rin talaga ako kay Sir dahil alam kong napaka-importante ng araw na ‘to para sa kaniya dahil aalis na si Madam Adeline bukas papuntang abroad, pagkatapos ay wedding proposal na rin ang magaganap kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kahit naman siguro mamatay ako katrabaho sa kaniya ay hindi ko na ka

