Kanina pa ako nakangiti rito habang nasa byahe kaming dalawa ni Sir at ng mga team niya. Excited na kasi akong makita sina Nanay at Tatay pati na rin ang mga kapatid ko. Wala man akong dala sa kanila ngayon dahil wala pa akong sahod ay masaya naman ako na makita ulit nila pagkatapos ng mahigit isang buwan. “Let’s head to your place first before going to the charity house.” Napatingin naman ako kay Sir Ace nang binanggit niya ang lugar namin. “Paano n’yo po nalaman, Sir?” Wala naman kasi akong natatandaan na pagkakataon na may sinabi ako sa kaniya tungkol sa lugar namin na taga Manlupa ako maliban kay Chairman Villafuerte. “Lolo told me.” May inilabas naman siyang limpak-limpak na pera galing sa kaniyang bag sabay bigay sa akin. “He told me to give this to your family, just a little hel

