Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong umuwi ako sa amin. Parang ayaw nga nila kaming paalisin dahil mamimiss daw nila kami ni Sir Ace pero wala naman kaming magawa dahil may mga trabaho pa kaming dapat tapusin. Kasalukuyan akong naghihintay sa tawag ni Sir Ace ngayon. Katatapos lang kasi ng meeting niya with the Mr. Enriquez at ngayon naman ay hinihintay ko siyang i-update ako sa susunod na gagawin ko. “Chan!” Napalingon naman ako nang may tumawag sa pangalan ko. Tumambad naman sa akin si Mira na may bitbit na dalawang iced coffee sabay abot ng isa sa akin. “Oh, Mir, ikaw pala. Salamat sa pa-kape.” “You are welcome. Anyway, where is Ace? Kanina ko pa siya hindi nahahanap, Kuya Spence has been looking for him.” “Oh, naghahanda siya at ngayon kasi babalik si Madam Adeline galin

