NAKITA ni Olga ang pagpatak ng luha sa mata ng kanyang ina na si Aking Sonia. Habang siya ay nakatulala at bahagyang bumubukas ang bibig ng walang tigil. Tila nagsasalita siya pero walang boses na maririnig. Nasa viviting area sila ng kanyang ina at may dala itong mga pagkain sa kanya. Pangalawang beses na nitong dumalaw sa kanya simula nang mangyari sa kanya ang nakakahindik na ginawa sa kanya ng mga pulis. "Anak, a-ano bang nangyari sa iyo? Bakit ka nagkaganyan? Noong huling dalaw ko sa iyo ay ganyan ka na..." lumuluha nitong tanong. Ngumiti si Olga sabay hagikhik. Nakikita niya kasi sa likod ng kanyang ina ang multo ni Audrey. "Umalis ka nga diyan! Magagalit ang nanay ko. Sige ka, papaluin ka niya!" tila isang bata na sabi niya kay Audrey. "Anak naman..." Tiningnan niya ang kanyang

