"MGA hayop! Sino ang nagnakaw ng sinampay ko dito!!!" Napapangiti na lamang si Olga nang marinig niya ang sigaw na iyon sa hindi kalayuan ng isang babae. Suot niya kasi ang tinutukoy na ninakaw na sinampay ng babaeng iyon. Malalaki ang mga hakbang ni Olga. Nagtungo siya sa presinto kung saan siya ikinulong. Mula sa labas ay kitang-kita niya ang apat na pulis na napakalaki ng atraso sa kanya. Nagtatawanan ang mga ito. Makita lang ang apat na iyon ay agad na kumukulo ang kanyang dugo sa sobrang poot. 'Sige lang. Tumawa kayo! Magpakasaya kayo dahil huling beses niyo nang magagawa iyan!' aniya sa kanyang sarili at nilisan ang lugar na iyon. -----***----- MATIYAGANG naghintay si Olga sa paglabas ng apat na pulis na iyon. Malapit na ang hatinggabi nang makita niyang lumaas na ng presinto an

