PARANG mga bato lang na ibinato ni Olga ang dalawang pugot na ulo sa sulok ng kwartong iyon. Sa apat na pulis ay isa na lang ang natitira at iyon ay ang matabang pulis. Iyong dalawang pulis ay parehas niyang pinugutan ng ulo gamit ang kutsilyo. Sa ngayon ay unti-unti na siyang nasisiyahan sa kanyang ginagawang pag-ganti. Inihakbang niya ang paa papalapit sa matabang pulis. Nakadapa ito at walang kahit na anong saplot sa katawan. Nakatali at may busal ang bibig. Nginitian niyo ito. Isang ngiti na may kasamang galit at poot. "Anong nararamdaman mo ngayon, ha? Natatakot ka na ba? 'Wag kang mag-alala dahil mamaya lang ay susunod ka na sa impyerno sa kanila!" at tila wala sa sarili na tumawa pa siya. Lumabas siya sandali ng kwartong iyon. Nagpunta siya sa kusina at kinuha niya ang isang baga

