NAHULI ni Lucy na kausap ng kanyang Daddy si Sabina sa kanilang garden. Tila seryoso ang mga ito sa pinag-uusapan. Hindi niya alam ngunit parang kinabahan siya sa nakita. Alam niya kasi na babaero ang kanyang daddy. Isa iyon sa mga problema dito ng kanyang mommy. Kinakabahan ba siya na baka pati si Sabina ay patusin ng kanyang ama? Hindi naman siguro. Hindi naman papatol si Sabina sa kanyang daddy. Isa pa, alam naman niya na mahal na mahal pa rin ni Sabina ang namatay na si Dario. Iwinaglit na ni Lucy ang kanyang iniisip. Lumapit na siya sa mga ito nang may ngiti sa mga labi. "Hello, Sabina. Hi, Daddy!" bati niya sa mga ito. Sabay na lumingon ang dalawa sa kanya. Napansin niya ang gulat sa mga mukha nito. Ang daddy niya ang unang lumapit sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. "Lucy! Ah,

