"LUCY, may balita ka na ba kay Sabina? Halos isang linggo na siyang hindi nakakauwi. Nag-aalala na ako para sa anak ko, eh..." mangiyak-ngiyak ang nanay ni Sabina habang kausap ito ni Lucy sa kanilang salas. Eksaktong anim na araw nang nawawala si Sabina. Simula ng araw na magpunta ito sa sementeryo upang dalawin ang puntod ni Dario ay hindi na ito nakauwi simula noon. Nag-report na sila sa pulis. Kumikilos naman ang mga ito ngunit talagang hindi nila matagpuan si Sabina. May teorya na baka kinidnap ito, ginahasa o pinatay. Ngunit lahat ng iyon ay ayaw nilang paniwalaan. Umaasa pa rin naman sila na matatagpuan itong buhay. Malungkot na umiling si Lucy. "Wala pa rin po, eh. Pero, bukas ay kakausapin ko ang mga pulis upang mas pagbutihin pa nila ang paghahanap kay Sabina. Tapos si Alyson n

