TIGALGAL si Lucy habang nakatingin sa babaeng lumabas sa cubicle. Kamukhang-kamukha ito ng nawawala niyang kaibigan na si Sabina. Ang tanging pinagkaiba lang ng dalawa ay mahaba ang buhok ng babaeng ito habang si Sabina naman ay maikli. Halos hindi niya maigalaw ang kanyang katawan sa sobrang pagkagulat niya. Nabitiwan pa niya ang hawak na lipstick at gumulong iyon sa paanan ng babaeng iyon. Yumukod ang babae at kinuha ang kanyang lipstick. Lumapit ito sa kanya sabay abot niyon. "Sa iyo ito, 'di ba? Nahulog mo, oh..." "Sabina..." kusang lumabas iyon sa bibig niya. Tila nawala ang espiritu ng alak sa kanyang katawang ng oras na iyon. Kumunot ang noo ng babae. "Kilala mo ako?" anito at tinitigan ang kanyang mukha. "Oh my God! Lucy!" bulalas nito sabay yakap sa kanya nang mahigpit. Gumant

