INAAYOS ni Elizabeth ang pagkakatali ng kanyang buhok sa harap ng salamin sa loob ng comfort room nang biglang pumasok doon si Olga. Sandali silang natigilan na dalawa. Nagkatitigan ngunit agad din na nag-iwas ng mata. Nanatili si Olga sa bungad ng pintuan. Tila nag-aalinlangan itong pumasok dahil naroon siya. Habang siya naman ay patuloy sa ginagawa. Kahit naman siya ay maiilang na makasama ito lalo na kung silang dalawa lang. "H-humihingi ako ng paumanhin sa nangyari kanina..." basag ni Olga sa nakakabinging katahimikan. Tiningnan niya ito ng masama at hindi nagsalita. Ayaw niyang makipagplastikan dito tulad ng ipinapakita nitong pakikitungo sa kanya. Alam naman niya na masayang-masaya si Olga at ipinagtangol ito ni Dario mula sa kanya. Alam naman niyang iyon ang gusto nitong mangyari

