"OLGA!" tawag ni Elizabeth sa kay Olga nang makita niyang naglalakad ang huli sa corridor ng Wellington High School. Paglingon ni Olga sa kanya ay isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito. Sa sobrang lakas ng sampal niya ay natumba si Olga sa sahig. Umagaw ng atensiyon ng mmga estudyante sa paligid ang ginawa niyang iyon. Hindi na niya kasi napigilan ang pagsilakbo ng kanyang galit nang makita niya ito. Hinding-hindi niya makalimutan ang ginawa nito kahapon sa CR. Nang buhusan siya ng putik. Ang akala ba niya ay gusto nitong magkaayos sila ngunit bakit nito ginawa iyon? May pagkalito sa mukha na tiningnan siya ni Olga. "Elizabeth... b-bakit?" sabi nito habang tumatayo. Sapo ang nasaktang pisngi. "Bakit? Nagmamaang-maangan ka pa?" sabi niya sabay saklit niya sa braso ni O

