The encounter ✅KYLIE Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin. "Hindi ka ba masaya?" Tanong niya sakin. "H-ha? Syempre masaya kase nagkita na tayo" sabi ko saka pilit na ngumiti. "Pero hindi iyon ang sinasabi ng mga mata mo" sabi niya at maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Napatingin ako sa humihingal na lalake. Pag angat niya ng ulo niya ay nabigla ako, anong ginagawa dito ni Thunder? "K-kylie, ayos ka lang ba?" Hinihingal na tanong niya sakin saka napatingin kay Bryan. "Ayos lang ako" sagot ko sa kanya pero nakatingin pa din siya kay Bryan. Pansin kong ang sama ng tingin niya kay Bryan. "Siya yung gusto mo.. hindi ba?" Bulong sakin ni Bryan kaya naman nabigla ako at namula ng konti. "Wag kang mag alala tol, wala akong ginawang masama sa kanya" sabi ni Bryan ka

