Crush ✅KYLIE Nasa loob pa din ako ng classroom dahil nag aayos pa ko ng gamit. Nauna na si Yani dahil may lakad daw siya kaya naman mag isa ako ngayon. Bigla kong naalala si Jesin, pupunta nga pala siya sa school ngayon. Sinara kona ang bag ko saka nag lakad palabas ngunit bago pa man ako makalabas ay may humarang sa harapan ko. "Thunder?" Kunot noong tawag ko sa kanya. "Sorry, nabigla ba kita?" Tanong niya sakin. "Hindi naman. Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya at tiningnan niya naman ako ng diretso sa mata. "May gagawin ka ba bukas pag uwi mo?" Tanong niya sakin at napaisip naman ako. "Wala naman, bakit?" "Pwede ba tayong lumabas bukas pagkatapos ng klase?" Tanong niya sakin na siyang kinagulat ko. Date ulit? "Kung gusto mo lang naman" sabi niya at napakamot sa b

