Bang! ✅JESIN Paalis ako ng bahay ngayon. Sa bintana ako ng kwarto ko dumaan dahil nasa sala sila dad, baka hindi na naman nila ko payagang lumabas dahil don sa pagtakas ko sa kotse ni mom. Kinuha ko ang bike ko at sasakay na sana ako ng may tumawag sakin. Si ate, tsk. "Jesin!" Tawag niya sakin kaya kunot noong nilingon ko siya. Ano na naman bang kailangan neto? "Saan ka pupunta? Tatakas kana naman?" Tanong niya sakin at inirapan ko lang siya. "Wala kana don" Sabi ko sabay sakay sa bike ko at nag pedal paalis sa bahay namin. Pagkadating ko sa park ay pinarada ko yung bike ko malapit sa isang bench kung saan walang tao. Pumunta ako doon sa tindero ng chichaw saka bumili. Pagkabigay niya sakin ng chichaw ay bumili naman ako ng samalamig. Pagkabayad ko ay pumunta na ako sa bench sa

