A Date? ✅KYLIE It's Friday! 2 days na ang nakalipas matapos ang insidenteng yon. Balita ko ay nakalabas na sa hospital si Zion. Balik na naman ako sa dating gawi, matutulog, f*******:, kakain, maliligo. Hays, nakakasawa na. Kung sana nandito lang sila Yani, hindi pa din nila ko tinatawagan. Masyado silang nag e-enjoy samantalang ako, nasa bahay lang lagi. Biglang nag ring ang cellphone ko. Sino naman kaya tong tumatawag? Tamad na tamad ko itong kinuha saka sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumawag. "Hello?" [KYLLLIIIIIEEEE!] nailayo ko sa tenga ko yung cellphone dahil sa lakas ng sigaw. "Myghad Yani! Ngayon kana nga lang tumawag tapos muntik mo pang masira ear drums ko?" Inis na sabi ko sa kanya. [Sorry na, na miss lang kita!] "Bakit kaba napatawag?" Tanong ko s

