CHAPTER 2

1166 Words
Academics Nakatitig si Kylie sa kanyang laptop habang pinag mamasdan ang mga picture ni Thunder sa f*******:. "Bakit ang hot mo? Sayang nga lang dahil hindi kita ma-add" wala sa sariling sabi ni Kylie at sinave ang mga picture ni Thunder sa kanyang laptop. Kinuha niya ang kanyang cellphone at pinag masdan ang text niya kay Thunder na hanggang ngayon ay hindi pa nag re-reply. Bumalik ang kanyang tingin sa laptop at sunod na sinearch ang pangalan ni Iris. Pag kakita niya nito ay hindi siya makapaniwala. "Etong babaeng 'to famous? Siguro gumamit 'to ng Auto likes, malanding bruha talaga" sabi niya at inis na sinarado ang kanyang laptop saka humiga sa kama. Kinuha ulit niya ang kanyang cellphone saka nag type. Magandang gabi kulog! Siguradong napagod ka kaya pahinga ka okay? Sabihin mo sa akin kapag nilandi ka ulit ng bruhildang Iris na yun at hindi lang muka niya ang ingungudgod ko sa cactus. Maganda pa sa gabi, DYOSA "Tinamaan na ata ako sa taglay niyang kagwapuhan" sabi niya at ipinikit ang kanyang mga mata. •~• Kakapasok lang ni Kylie sa classroom nang salubungin siya ng kanyang mga kaibigan. "Besh! Nag reply na ba?" Excited na tanong ni Yani ngunit umiling lang si Kylie. Takang-taka si Mark na nag papalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Wait lang besh ike-kwento ko muna kay bakla ang love at first sight mo" sabi ni Yani at sinimulan na ang pag k-kwento, makalipas ang ilang minuto... "HAHAHAHA!" tawa ni Mark pagkatapos marinig ang buong kwento. "Seriously Florentina?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mark sa kanya. "Pero bakla may advice ako sayo, mag kaiba kayo ng school di ba?" Tanong ni Mark at tumango lang si Kylie. "Naisip mo ba na maraming pwedeng lumandi sa boylet mo doon? Dapat may mata ka sa school niyo" dagdag ni Mark. "Ano yun? Dudukutin ko yung isa kong mata tapos ilalagay ko sa school namin?" Takang tanong ni Kylie kaya hinila ni Mark ang mahaba niyang buhok. "Bruha ka talaga, usong gamitin ang common sense" sabi ni Mark at inirapan si Kylie. "Ang ibig niyang sabihin besh ay dapat may spy ka sa school niyo at siya ang mag s-sabi sayo ng mga nangyayare kay Thunder" paliwanag ni Yani. "Sino naman?" Tanong ni Kylie. "Tara sa school niyo, mang hunting tayo" sabi ni Yani at ngumisi. •~• "Pre bakit di mo i-try replayan yung Unknown number para malaman mo kung sino yun" sabi ni Iros habang nag lalaro sa cellphone. "Ayoko, baka isipin niya na ine-entertain ko siya" sagot ni Thunder. "Sabi mo eh. Ano na nga pa lang plano mo kay Iris?" Tanong ulit ni Iros at tinago ang kanyang cellphone. "Thunder my bebe loves!" napatingin silang dalawa sa sumigaw at nakita nila si Iris na tumatakbo papunta sa pwesto nila. "Hayst" nasabi nalang ni Thunder at dumukdok sa lamesa. •~• Nag iikot sila Kylie sa Clarea University at nag hahanap ng mabibiktima. Pag liko nila ay may nabangga si Kylie. "Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo Miss" sabi ng babae kay Kylie kaya napa taas ang isa niyang kilay. "Excuse me? Baka Ikaw ang dapat tumingin sa dinadaanan mo, apat na nga yang mata mo hindi mo pa ako nakita?" mataray na sabi ni Kylie sa kanya. "Hoy! Hindi porket maganda ka eh gumaganyan ka na" sigaw sa kanya ng babae. Silang apat lang ang nasa hallway dahil oras na ng klase ngayon. "Kesa naman sa panget na tulad mo" sabi ni Kylie sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Maganda ka nga pero hindi Ikaw ang pinaka maganda sa buong mundo kaya wag kang umastang ganyan" sabi ng babae at inayos ang kanyang salamin. "Anong pangalan mo?" Tanong ni Kylie sa kanya kaya nag taka yung babae pero agad din naman itong sumagot, "Angelica Salazar" "Ngayon pa lang ay mag hanap kana ng iskwelahang lilipatan mo" sabi ni Kylie at mag lalakad na sana siya kaya lang ay nag salita ulit si Angelica. "Bakit? Ikaw ba ang may ari ng iskwelahang 'to?" Mapang hamong tanong ni Angelica sa kanya. "Kylie" napatingin sila sa tumawag kay Kylie, nagulat si Angelica ng makitang si Mrs. Vuenista iyon. "Anong ginagawa mo dito? Bumalik kana sa iskwelahan niyo" sabi ni Mrs. Vuenista at saka nag lakad paalis. Tumingin si Kylie kay Angelica at sinabing "Any question?" "Please Kylie wag mo ang ipa kick out" pag mamakaawa ni Angelica at hinawakan ang kamay ni Kylie. "Hmm... In one condition" •~• Kasama nila Thunder si Iris kaya iritang-irita siya dito. "Alam mo ba Thunder--" hindi na naituloy ni Iris ang kanyang sasabihin dahil pinahinto siya ni Thunder. "Pwede ba? Manahimik ka muna kahit ngayon lang" sabi ni Thunder kaya biglang tumahimik si Iris. Biglang nag vibrate ang cellphone ni Thunder kaya kinuha niya ito saka binasa ang message. Hi kulog! Kumain ka na ba? Wag kang mag papalipas ng gutom ah. Ano yung nakikita ko na kasama mo Iris talande? Wag kang mag papalandi sa babaeng yan, magagalit ang mga anak natin. Your loving wife, DYOSA Luminga-linga sa paligid si Thunder para hanapin si Dyosa kaso hindi niya ito makita. •~• "Hoy Florentina kumalma ka nga!" Saway ni Mark kay Kylie na gusto ng sugudin si Iris dahil sa taglay nitong kalandian. "Bitawan niyo ako, ingungudgod ko na talaga sa cactus ang Iris talande na yun!" Sigaw ni Kylie habang pinipilit na kumawala kila Yani. Biglang nag vibrate ang cellphone ni Kylie kaya napatigil siya sa pag pupumiglas, kinuha niya ang kanyang cellphone at binasa ang message. Hoy Kulet! Ikaw ang representative ng school natin para sa academics. From: Malanding Avan Napataas ang isa niyang kilay pagkatapos basahin ang message. "Anong month na ngayon?" Tanong ni Kylie sa dalawa niyang kaibigan. "February" "Tara na sa Eris University" aya niya sa dalawa niyang kaibigan at sumunod naman ito sa kanya. •~• "Ngayong February na ay puro activity ang magaganap sa school. Iris since your the top 1 Ikaw ang magiging representative ng school natin para sa academics" sabi ng adviser nila. "Sure! Siguradong ako na ang mananalo niyan" kampanteng sabi ni Iris kaya napa irap nalang si Angelica sa kanyang narinig. "Masyado siyang mayabang" bulong ni Angelica. •~• "Gaya nga ng tinext ko sayo kanina ay Ikaw ang magiging representative ng school natin para sa academics. Ang makakalaban mo ay tiga Clarea University" paliwanag ni Avan, ang classroom president nila. "Kailan ba?" Tanong ni Kylie. "Sa Friday" sagot ni Avan at pasimpleng inakbayan si Kylie, agad naman siyang kinurot sa tagiliran ni Kylie kaya napa hawak siya sa kanyang tagiliran. "Umaandar na naman ang kalandian mo" mataray na sabi ni Kylie sa kanya. "Ang sweet mo talaga Kylie" sarcastic na sabi ni Avan. "Whatever" •~• "So ang makakalaban natin ay ang Eris University?" Tanong ni Thunder kay Iros. "Oo, balita ko ay wala pa silang talo. Si Avan Riyuke ang pinaka magaling mag laro doon at balita ko din ay mayabang yun" sabi ni Iros. "Nakaka excite naman pala, tingnan lang natin kung hanggang saan ang yabang niya" ©
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD