First Kiss
Good afternoon kulog~
Balita ko ang Eris University ang makakalaban niyo, wag ka mag-alala support ako sa team niyo! Wag kang mag papatalo sa kanila.
Go CHERRY PIE KO!
Maganda pa kay Iris talande,
DYOSA
Pagkatapos basahin ni Thunder ang message ay napa-iling siya saka napa ngiti. Tatlong araw na ang nakalilipas at sa tatlong araw na yun ay parang may nangyareng kakaiba sa kanya, ewan niya ba pero natutuwa siya minsan sa mga message ni Dyosa. Kahapon ay nireplayan niya si Dyosa at tinanong kung sino ito pero hindi siya nireplayan ni Dyosa.
"Muka kang timang pre" sabi ni Iros na kakadating lang kaya nawala din kaagad ang ngiti ni Thunder. "Nga pala, pinapasabi ni Iris na mag dadala daw siya ng pompoms bukas tapos ay ichi-cheer ka" dagdag ni Iros.
•~•
"Bakla, bukas na ang laban ng fafa mo saka laban mo" sabi ni Mark kay Kylie habang nag lilinis ng kuko. Si Kylie naman ay nakatitig lang sa kanyang cellphone saka napangisi.
"Ang creepy mo besh" sabi ni Yani kay Kylie habang nag babasa ng magazine.
"Alam ko na kung sino ang makakalaban ko" sabi ni Kylie kaya napatingin silang dalawa sa kanya. "Sisiguraduhin kong ilalampaso ko ang magaspang niyang muka sa sahig na puro tinik" dagdag niya saka tumawa ng malakas. Binato siya ni Mark ng unan kaya napatigil siya sa pag tawa.
"Aray! Hoy Maria panira ka talaga kahit kailan" sabi ni Kylie saka umirap. Mag sasalita na sana si Mark pero pinigilan siya ni Yani.
"Ops! tama na mga besh. Kylie ano na nga palang plano mo bukas sa laban ni Thunder?" Tanong ni Yani.
"Wala" sagot ni Kylie kaya napatingin sa kanya si Mark.
"Anong wala?"
"Haler? Edi nakita niya ang mala dyosa kong muka kung ichi-cheer ko siya bukas" sabi ni Kylie at nag flip ng buhok.
"Ang arte ha" sabi ni Mark.
•~•
"Thunder my bebe labs!" Sigaw ni Iris kaya napalingon sa kanya ang lahat ng tao sa cafeteria habang si Thunder naman ay napatakip nalang sa muka ng libro dahil sa kahihiyan.
Tumabi siya kay Thunder at hahalikan na sana niya ito sa pisnge nang may biglang nam bato sa kanya ng sibuyas sa ulo, bigla siyang napatayo at luminga-linga sa paligid. Hindi siya maka sigaw dahil kasama niya si Thunder at baka ma turn off ito sa kanya.
Sa isang sulok naman ay nag pipigil ng tawa si Kylie, inutusan kasi niya si Yuri na batuhin ng sibuyas sa ulo si Iris. Ang katabi naman niyang si Angelica ay napa-iling na lamang sa kagagahan ni Kylie.
Tumayo na si Thunder at nag lakad palabas ng cafeteria kaya sinundan siya ni Iris. Tumayo din si Kylie at hinila si Angelica palabas habang si Yuri naman ay sumunod lang sa dalawa.
Palihim na sumusunod yung dalawa habang si Yuri naman ay nag papahuli sa pag lalakad.
Nag punta sila Thunder sa garden at umupo sa isang bench, nag tago sila Kylie sa likod ng puno na malapit kila Thunder.
"Pwede ba Iris? Tigilan mo ako" sabi ni Thunder at umusog palayo kay Iris kaya umusog naman palapit si Iris.
"Bebe Thunder naman, kailan mo ba kasi ako liligawan?" Tanong ni Iris kaya muntikan ng mabalibag ni Kylie ng cactus si Iris.
"Ako? Manliligaw? Hahaha in your dream" sabi ni Thunder at tumayo saka nag lakad palayo, susundan pa sana siya ni Iris pero mabilis siyang hinawakan ni Yuri sa braso at hinila palayo habang si Kylie naman ay hinila si Angelica saka sinundan si Thunder.
Sunod lang sila ng sunod hanggang sa makarating sila sa gym, pag pasok nila ay agad silang nag tago. Kinalabit siya ni Angelica kaya napatingin siya dito.
"Bakit ba tayo sumusunod sa kanya ng palihim? Pwede ka naman makipag kaibigan sa kanya para mas lalo kang mapalapit sa kanya, hindi naman niya alam na Ikaw si Dyosa" sabi ni Angelica kaya biglang napa isip si Kylie.
Bat' diko naisip yun?
Mag sasalita na sana siya kaya lang ay may tumamang bola sa kanyang ulo.
"Kylie! Okay ka lang ba?" Tanong ni Angelica at inalalayang tumayo si Kylie.
"Miss sorry!" Sabi ng isang pamilyar na boses kaya biglang tumalikod si Kylie at kinuha ang hawak na notebook ni Angelica at pinantakip sa kanyang muka.
"Oo! Okay lang ako!" Sagot ni Kylie at hinila palabas si Angelica.
"Weird" sabi ni Thunder ng makaalis sila Kylie.
Biglang tumunog ang bell kaya napahinto silang dalawa.
"Mamaya na lang Kylie, simula na ng klase" paalam ni Angelica at tumakbo.
Mag isang nag lalakad si Kylie ngayon, wala silang pasok ngayon at kesa mag kulong sa bahay ay mag lilibot na lang siya sa University. Madali siyang makakapasok sa University dahil anak siya ng may ari saka kahit hindi siya estudiyante ay may uniform siya ng kanilang paaralan. Sina Yani at Mark naman ay may lakad at dahil pupunta lang sila sa mall para mag shopping ay hindi na siya sumama.
Malalim ang iniisip ni Kylie habang nag lalakad, iniisip niya kung anong gagawin niya kay Iris bago ito ilibing kung hahampasin niya ba ito ng cactus o ibebenta ang lamang loob nito. Nabalik sa reyalidad si Kylie ng may mabunggo siya.
"f**k!"
"Sorry akala ko cactus" sabi ni Kylie at nag patuloy lang sa pag lalakad kaya mas lalong nainis yung nabunggo niya, hinila siya nito at isinandal sa pader.
"Ganitong-ganito yung nababasa ko sa w*****d, yung hihilahin nung lalake yung babae tapos isasandal sa pader at hahalikan" sabi ni Kylie kaya biglang naningkit ang mata nung lalake.
"What did you say?" Tanong nito sa kanya.
"Teka... Wala ata akong nabasang ganun" Takang sabi ni Kylie habang nakatingin sa sahig.
"What the heck?! What are you talkin' about?! Look at me!" Sigaw nung lalake kaya tuluyan ng nabalik sa katinuan si Kylie at napatingin sa lalake.
"Who you po?" Tanong ni Kylie kaya mas lalong nairita yung lalake.
"I'm your worst nightmare" sagot ng lalake na may halong inis.
"Teka... Sa pag kakaalam ko hindi naman kita napaginipan" sagot ni Kylie kaya nasuntok nalang nung lalake yung pader. Mag sasalita sana ulit yung lalake ng biglang may tumawag sa kanya.
"Zion!!" Sigaw ng isang babae kaya napalingon silang pareho doon. "Zion please! Balikan muna ako" pag mamakaawa ng isang babae at hahawakan sana niya ang kamay nito ngunit mabilis tinabig ni Zion ang kamay ng babae.
"s**t! Rea just move on, I don't like girls who are s**t" sabi ni Zion at diniinan ang pag kakasabi sa s**t. Napatingin yung babae kay Kylie at nahalata naman ito ni Zion kaya mabilis niyang inakbayan si Kylie.
"I have a girlfriend so get lost!" Sabi ni Zion kaya sinamaan ng tingin ni Rea si Kylie.
"Hindi ako naniniwala! Alam kong mahal mopa ako!" sigaw ni Rea.
"Do I need to proved it to you?" Tanong ni Zion kay Rea, bago pa man makapag salita si Rea ay mabilis na hinarap ni Zion si Kylie sa kanya saka hinalikan.
What the heck?! May gosh yung first kiss ko na para kay Thunder lamang ay nag fly-fly away na!
Inilayo na ni Zion ang kanyang labi sa labi ni Kylie at nakangising napatingin kay Rea.
©