Who's J? ✅CASSEY Shems! Nung isang araw pa ko nag s-search dito sa f*******: pero hindi ko makita yung account niya. Ang daming Jesin na lumalabas, ang chachaka naman. Mas gwapo pa din siyaaa! Hinihintay ko na lang tuloy siyang pumunta ulit sa school. Teka nung nakasalubong ko siya nasa College building siya it means may kapatid siya dito or kaibigan. Paano ko naman siya hahanapin? Hindi naman pwedeng isa-isahin ko yung mga nandito sa College building at mag tanong kung may kilala silang Jesin. I wanna see him na! ✅KYLIE Lumipas ang oras at hapon na. Nandito na sila Yani sa bahay. May dala pa silang pagkain. Kanina pa ko kumakain ah. Plano talaga nila kong patabain. "Musta na lagay mo, bruha?" Tanong agad sakin ni Mark. "Ayon, nananaba nako dahil wala akong ibang ginawa dito

