Brother ✅JESIN Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumasok. Kumain lang ako ng tinapay at saka umalis na. May babawian pa ko sa iskwelahan. Pagkadating ko sa iskwelahan ay pinagtitinginan na naman nila ko, lagi namang ganito eh. Kala mong ngayon lang nakakita ng gwapo, halos araw-araw naman nila kong nakikita. Nang makapasok ako sa classroom ay hinanap ko siya at nang makita ko siya ay agad ko siyang nilapitan saka sinapak. "Anong nangyayare?" "Nag-away na naman sila?" Rinig kong bulungan ng mga kaklase namin. Hinawakan ko ang kuwelyo ng damit niya at nakita ko ang pag ngisi niya. "Gago ka ah, kung may galit ka sakin wag ka nandadamay ng iba. Ate ko pa dinamay mo" sabi ko sa kanya at tinawanan lang ako ng gago. "Edi galit kana niyan?" Sabi ng gago saka ako nginisihan. Si

