ERIN'S POV Ilang araw ang lumipas mula ng i-uwi namin si Syd. Masaya ako kasi naka-uwi na siya. Pero mas malaki ang part na nalulungkot ako. Mula kasi nung araw na inuwi namin siya, para bang ibang tao na ang kasama ko. Parang hindi na siya si Syd. Ang laki nang nagbago sa relasyon at pagsasama namin. Hindi na siya yung tulad ng dati na sweet at palagi akong nilalambing. Ngayon parang ibang tao na siya. Malayong-malayo sa Syd na asawa ko. "Manang wala pa po ba si Syd?" tanong ko kay Manang. "Wala pa po Ma'am," sagot niya bago siya tumungo sa kusina. Kararating ko lang mula sa Starry. Matao daw kaya naman minabuti kong tulungan sila. Since wala pang exact date kami aalis. Naghintay ako sa kwarto namin, alas onse na wala pa rin siya. Napapadalas na ang pag-uwi niya ng gabi. Kaya nam

