ERIN'S POV Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring iyon. Kaya agad kong kinuha at nakita na si Syd ang natawag. Hindi na ako nag-alangan at sinagot ko agad iyon. "Hon? Where are you?" tanong ko. Pero nagulat ako ng hindi siya ang nagsalita. "Ikaw po ba ang misis niya?" tanong ng isang babae sa kabilang linya. "Yes, who's this?" tanong ko ulit. "This is nurse Sheena, yung asawa niyo po naaksidente, andito po siya ngayon sa hospital," sabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Agad akong nag-drive papunta sa hospital. Kinabahan ako, may masamang nangyari kay Syd. At dahil sa kagagawan ko iyon! Naiiyak akong nagtungo sa hospital. Dahil sakin napahamak siya. Humahangos akong itinakbo ang hallway papuntang Emergency room. Tamang-tama lang ang paglabas ng docto

