PART TWELVE

1226 Words
Lia POV: Seryoso ang parents ko habang naka-upo sa couch dito sa condo unit ni Ley. Nakakaramdam ako ng kaba sa klase ng pagtingin nila ng seryoso sa akin at sa mga kaibigan ko. Parang may nagawa kaming malaking kasalanan kaya kung tignan kami ay parang uusigin na kami. Si Ley lang ata ang kalmado sa aming lima eh! Di na ako magtataka lagi naman kalmado si Ley sa kahit na anong sitwasyon eh! Kahit alam namin na kinakabahan din sya pero di mahahalata, dahil sa pagiging kalmado nya. Ahem! Napalingon kami kay dad ng tumikhim sya para kunin ang atensyon namin. Girls! Alanganin na tawag sa amin ni dad. Yes po! Sabay-sabay naming sagot kay daddy May ipapaki-usap sana kami sa inyo! Kinabahan ako sa sinabi ni dad parang alam ko na kung saan papunta ang usapan na ito. Pwede bang pakitunguhan nyo ng maayos si Marjo or kaibiganin nyo sya. Nakiki-usap na sabi ni daddy sa amin, Napa-hist ako dahil sa sinabi ni dad. Kaya napatingin sila sa akin lahat. Mawalang galang na po tito Leandro pero di po ba kayo nabibigla sa pinapaki-usap nyo sa amin, Dahil kung tutuusin ay dapat kayo ang unang against sa kanya, dahil sa ginawa nya kay Lia. Mapang-uring tanong ni Ley kila daddy. Oo nga po tita, tito nakakatakot ang babaeng yun pero bakit parang okay lang sa inyo ang ginawa nya kay Lia. Dati-rati kasi kayo pa ang unang magagalit kapag napapahamak o may gustong gumawa ng di maganda kay Lia pero ngayon sa naririnig ko sa inyo eh! parang okay lang na mapahamak si Lia. Mahabang salita ni Sue na sinang-ayunan ng iba. At isa pa po eh! sinundan nya ng palihim si Lia kagabi pauwi ng condo nya. Gulat ang mukha ni dad ng marinig ang sinabi ni Ram, tumingin sya kay Ley to confirm na totoo ang sinabi ni Ram. Kaya tumango si Ley to confirm na totoo ang sinasabi ni Ram. Napansin ko ang pagtikom ng kamao ni dad at saka sya tumayo mula sa couch at tumlikod sa amin. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya at saka sya muling humarap sa amin. Forget everything i said! Bakas ang galit sa mukha nyang sabi sa amin. Saka dire-diretsong lumabas ng condo ni Ley. Alis na kami girls pasinsya na anak sa daddy mo pinigilan ko naman na sya bago pa kami nagpunta dito but knowing your dad kapag nakapagdisisyon na sya ay ginagawa nya buti na lang at andito si Ley. Paghingi nya ng paumanhin sa akin, ngumiti ako sa kanya ng malambing at saka sya niyakap para ipaalam na di ako galit sa kanila. And thank you Ley sa pagtatangol sa anak ko! Pati na rin sa inyo girl salamat at kayo ang kaibigan ng anak ko. Madamdaming pasasalamat ni mommy sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko may mali sa nangyayari ngayon kasi kung against si mommy sa gustong mangyari ni dad ibig sabihin ay di maganda ang nangyayari. Agad na rin sumunod si mommy kay daddy pagkatapos nyang pagpasalamat at magpaalam sa amin. Lia may napapansin ako kay tito!? Nagtatakang tanong ni Sue na sinang-ayunan ng iba. Oo nga Lia! Bakit? gustong- gusto ni tito na mapalapit si Marjo sayo kahit alam nyang magiging dilikado ka sa babaeng yun. Naguguluhang segunda ni Ram. Si Wint at Ley ay tahimik na nakikinig pero halatang may iniisip. Yun ang pinagtataka ko eh! Kung bakit gusto nyang magkalapit ang anak ni Mr. Smith samantalang alam nyang sa umpisa pa lang ay ayaw ko na sa babaeng yun. Di kasi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Napapa-isip ko ding sagot kay Ram. Dahil maski ako ay naguguluhan sa kinikilos ni daddy about kay Marjo Smith. Kung si Margie pa siguro ang gusto nyang makasundo at mapalapit sa akin ay okay pa. Baka ako pa ang maghabol sa babaeng medyo matagal nang MIA sa di ko malamang dahilan. Basta Lia mag-iingat at kung anu man ang maging disisyon ni tito Leandro ay sabihin mo agad sa amin para matulungan ka namin. Dahil sa tingin ko hindi yan ang huli na pakiki-usapan ka ni tito Leadro na makipag-kaibigan o malapit kay Marjo Smith. Pagbabalala ni Ley sa akin at saka nagtungo ng kusina, Magluluto ata dahil lagpas tanghalian na rin ng di namin napapansin. Napabuntong hininga ako sa mga nangyayari ngayon, iniisip ko kung ano ang pwedeng maging dahilan ni daddy para ipilit na magkalapit kami ni Marjo. Good luck talaga sayo Lia mukhang magkakaroon ka na ng stalker. Medyo may inis na sabi ni Sue, kaya napalingon ako sa kanya sa kabababa lang ng intercom. Sinagot nya kasi ang tawag galing sa lobby ng building. Napakunot ang noo ko ng napabuntong hininga si Sue at saka nag-aalalang tumingin sa akin. Why Lia? Seryosong tanong ni Ley galing ng kusina habang may bitbit na mga plato kasunod nya sila Wint at Ram na dala naman ang mga food. Ang bilis naman ata magluto ni Ley tinignan ko ang mga food na dala at ang mga left over pala na pinainit nya. Kala ko eh nagluto sya sabagay sobrang late na kami makakapag-lunch kung magluluto pa si Ley. Tumawag taga lobby katulad ng bilin natin sa kanila last night na tawagan tayo kung sakali na bumalik yung babaeng yun at magtanong ng mga info tungkol saiyo o kaya kay Lia. Seryosong sagot ni Sue kay Ley at saka napapahilot sa noong napa-upo sa couch. And?... Naiinip na tanong ni Ley kay Sue. Bumalik daw si Marjo kanina lang para tanungin kung umalis na daw si Lia dito. Sabi ng taga lobby ay kanina pa tayo nakaalis pagkaalis ng parents ni Lia. Nagalit daw bakit di nagpapaalam si Lia sa kanya. Marami pa daw tinanong na sinagot lang naman daw nila ng bawal po kaming magbigay ng info tungkol sa mga nakatira kung wala pong pahintulot ng taong involve. Kaya nagdadabog na umalis si Marjo at nagbitaw pa raw ng salita na tatangalin nya sa trabaho ang concierge na yon. Kaya sinabi kong gawin nya trabaho nya ng maayos at tayo na ang bahala sa kanya. Mahabang pahayag ni Sue sa amin ng seryoso, kinikilabutan ako sa naririnig ko. Nasa tamang pag-iisip pa ba ang babaeng yun? Higit pa sya sa mga psyscho at obsessed na tao sa mga ikinikilos nya. Obviosly naman ang pagkagusto nya sa akin pero di naman ata sapat na dahilan yun para maging desperada sya para lang makuha ang atensyon ko. Kaya Lia simula ngayon dapat may kasama ka sa kahit saan ka magpunta. Seryosong sabi ni Ley sa akin. No need na girls makakaabala lang sa inyo yan lalo na sayo Ley. May kinakaharap ka ring problema! Alanganin kong sagot sa kanila. Mas okay na Lia na sigurado tayo kesa mapahamak ka at magsisi sa huli. May diin na sabi ni Ley at mababakas ang kaseryosohan sa sinabi nya. Kaya nga Lia sundin mo na lang ang sinabi ni Ley, sabihin mo sa amin kung saan ka pupunta para masamahan ka namin. Segundang sagot ni Sue sa sinabi ni Ley. Napatingin ako sa dalawa na mataman na nakikinig sa usapan, tumango sila bilang pagsang-ayon kay Ley at Sue. Kaya naman sumang-ayon na rin ako, dahil alam ko naman na di ako mananalo sa kanila. Siguro ay di rin muna ako makikipag-kita kay Margie para di sya mapahamak sa kapatid nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD