PART THIRTEEN

1097 Words
LIA POV: Maaga akong nagising ngayon para maghanda ng almusal para sa aming lima hanggang ngayon ay andito pa rin kami sa condo unit ni Ley. Napagkasunduan din namin na magsama-sama muna kami sa kabilang unit ni Ley para daw safe ako sa babaeng yun. Paalis na sana kasi ako kagabi pauwi sa condo ko ng tumawag ang nasa lobby para ipaalam na may babaeng nag-aantay sa akin sa lobby. Si Ram ang bumaba na kunyari ay may kukunin lang sa concierge na package. Si Marjo ang nag-aantay sa lobby kaya di na natuloy ang pag-uwi ko at kaya napagkasuduan din namin na magsama-sama na muna kami sa isang condo ni Ley para mas safe. Ngayong araw namin balak lumipat sa isang condo ni Ley kaya maaga rin ako nagising para makapaghanda. Morning! Inaantok pang bati sa akin ni Wint. Morning too! Masigla kung balik bati sa kanya at pinagpatuloy ang pagpiprito ng ham. Morning girls! Masiglang bati ni Sue sa amin ni Wint. Morning! sabay naming balik bati ni Wint kay Sue. Ang aga nyo atang nagising? Seryosong puna ni Ram sa amin, kaya naman napataas ang kilay namin sa sinabi nya. Sabagay di namin sya masisi kasi kapag ganitong wala naman kaming planong maggala o planong pupuntahan ay nakahilata pa kami. Wow! aga nyo nagising girls ah! good morning sa inyo! Surprise na bati sa amin ni Ley pagbaba nya galing sa mini gym nya. Si Ley lang talaga sa amin ang maaga magising kahit na walang plano. Kasama kasi sa routin nya sa araw-araw ang paggigym nya sa umaga. Kaninong condo ang una nating pupuntahan para kumuha ng gamit? Masayang tanong ni Ley sa amin. May nangyari ba kagabi na maganda para maging masaya si Ley ngayong umaga kasi kahapon ay sobrang seryoso nya kaya alam namin na may problema sya. Sa akin muna! Sagot ni Sue habang may laman ang bibig ng pagkaing kasusubo lang nya. Sa harap lang naman namin nagagawa ang di namin magawa kapag kaharap ang parents namin at ang ibang tao. Sanay na kami sa ugali ng isa't-isa kaya di na namin pinapansin pa ang mga kilos namin. Sa tagal ng pinagsamahan namin ay kami lang ang nakakaalam ng lahat tungkol sa amin. Next sa akin! Pagseguda ni Ram. I'm next! Tipid na sabi ni Wint so last ako kung ganun si Ley kasi ay di na kilangan dahil may gamit na sya sa isang condo nya. So it's settled now! Let's finish our food para makaalis na tayo ng maaga at nang matapos. Pag-tatapos ni Ley sa pinag=uusapan namin. Mabilis lang din kaming natapos kumain at nagkanya-kanya na kaming ayos ng sarili namin para makaalis na kami. After an hour na pagdadrive ni Ley ay nakarating din kami sa condo ni Sue. Natraffic kasi kami kaya naging isang oras ang byahe na dapat ay half hour lang. Pagkapark ng kotse ay agad na umibis si Ram at Sue, papalabas na sana ako ng hawakan ni Wint ang kamay at umiling saka tumingin side ni Ley. Napalingon ako at napasapo na lang sa noo ng makita ko si Marjo na papalapit sa kotse ni Ley buti na lang at tinted ang car ni Ley. Tinignan namin sila Ram at Sue na nakababa na ng kotse na agad din naman na napansin si Marjo na papalapit sa amin kaya agad na nilock ni Ley ang door ng car pagkasara ni Ram. Di namin napansin na sinusundan kami ni Marjo papunta sa condo ni Sue. Anu ba talaga ang plano ni Marjo, bakit nya ginagawa ang lahat ng ito. Napansin namin na kasama nila Ram papasok sa elevator si Marjo, maya-maya lang ay tumunog ang cp ni Ley. Message on the phone... From Ram: Ley punta na kayo kila Wint kami nang bahala dito para di kayo masundan ni Marjo. Pagkabasa ni Ley ng Txt ay agad nyang pinaandar ang kotse paalis sa condo building ni Sue. Mabilis lang din kami nakarating sa condo ni Wint agad kaming bumaba ng sasakyan at umakyat sa unit ni Wint di dapat mag-aksaya ng oras at baka makatunog si Marjo sa ginagawang paglilibang sa kanya nila Ram. Pagkakuha ng gamit ni Wint ay agad din kami nagtungo sa parking lot at umalis agad. Txt mo sila Ram sabihin okay na lahat papunta na tayo sa distenasyon natin. Seryosong utos ni Ley habang nakaumang ang kamay nya sa harap na may hawak na cp. Agad ko naman nagets kaya inabot ko ang cp sa kamay nya at tinext si Ram. Saktong kakapasok lang namin sa penthouse unit ni Ley ng tumunog ang cp ni Ley. Sa tingin ko ay sila Ram yun, dahil napakunot ang noo ni Ley pagkabasa sa txt. Lia magpunta ka sa taas sa may bandang kaliwa pangalawang pinto pumasok ka dun at pumunta ka sa may closet unang pinto buksan mo may makikita kang maliit na button sa bandang kaliwa ng closet press it at may secret room dun pumasok ka dun bilisan mo kumilos ka na mamaya ko na ipapaliwanag sayo ang lahat. May pagmamadaling utos nya sa akin kaya naman agad akong tumakbo paakyat sa second floor. Nakita ko agad ang sinasabi nyang room kaya agad kung binuksan at pumasok ako dun. Pagkapasok ko ay agad din ako nagtungo sa walk in closet at binuksan ang unang door ng closet at hinanap ang button na sinasabi ni Ley. Medyo nahirapan akong hanapin dahil di mahahalata na merong button dito, mukha lang syang maliit na kahoy na umusli or isinuksok sa gilid ng closet. pagkapress ko agad na bumukas ang katabing wall pumasok ako dun at namangha sa nakita ko sa loob ng secret room na ito. kompleto sa gamit para lang syang maliit na bahay at maaliwalas sa pakiramdam. Agad akong nahiga sa bed na nakita ko sa may bandang gitna ng room. Automatic din na nagsara ang wall di naman ako nakaramdam ng takot dahil alam kong may labasan ito. Dalawang tao ang kasya sa bed may di kalakihan na couch sa may bandang kanan ng bed at may bandang kaliwa naman ng maliit na bedside table. may maliit din na tv may aircon din kaya di mainit. May maliit na kusina at pang apatan na taong lamesa na may dalawang upuan lang na magkaharap. May napansn ako na pinto sa tingin ko ay C.R. yun anu kaya ang dahilan ni Ley para pagtaguin ako dito sa secret room nya. Dalawang araw na kaming absent sa school, Hayss! bahala na si Ley tungkol sa school namin. Di ko namalayang nakatulog ako sa pagmumuni-muni sa mga nangyayari sa akin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD