Hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na may ganoon ako kalaking pera sa banko. Buti na lang ay hindi nabangga ang kotseng sinasakyan ko papunta Assunta dahil lutang na lutang talaga ang isip ko. Sino ba naman ang mag-aakala na may 18 million ako sa banko? Too good to be true. Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa ako kung gagalawin ko ba yung pera o hindi. Kung ganon, anong gagawin ko doon? Isasauli? Kanino naman? Eh patay na si Chexter diba? Nagpatuloy ang byahe ko papunta sa baryo. Nagtext na ako kay Jonathan last month at last week na uuwi nga ako ng Assunta sa pasko. Natuwa naman siya. "Ibabalita ko 'yan kina Aling Sita at Aling Lota. Panigurado, matutuwa sila." Natawa ako. Sandali pa kaming nagkwentuhan at nagkamustahan sa cellphone. Nalaman ko na walang pang tig

