Chapter 53

1303 Words

Hawak hawak ko ang mga kagamitan ko sa pagpipinta. Tinago ko muna iyon sa labas ng bahay at sinigurado na hindi iyon makikita ni mama. Siniwang ko ang ulo ko sa pinto at tinignan kung naroon ba si mama o kahit si papa. Buti naman at wala. Agad kong binalikan ang mga kagamitan ko sa pagpinta sa may pinto at pinasok iyon sa loob ng bahay. Maingat lang ang bawat paglakad ko sa sahig. Napapatigil pa ako at napapakagat labi tuwing lumalangit-ngit ang gawa sa kahoy naming sahig. Kapag talaga nahuli ako ni mama na bitbit ito, tiyak na masasaktan ako at itatapon niya lahat ng 'to. Kung iiwan ko sa gubat, nakakapaghinayang naman at baka mabasa lang. Papasok pa lang ako sa kwarto ko nang bigla namang lumabas si mama sa kwarto niya. Naibagsak ko ang hawak ko at nanginig na ang tuhod ko sa takot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD