Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip ang mga nangyayari sa labas. Narito ako sa hospital at walang magawa. Mula nang nalaman ko ang katotohanan sa pag-alis ni Lumen mula kay Jonathan, nakaramdam na ako ng bagabag. Pumikit ako at isinalarawan ang eksena sa isip ko. Na tumutulong si Lumen sa pagtugis kay Arturo. Ang mga pulisya ay sanib pwersa din sa paghahanap at abala ang lahat. Naghihirap at walang tigil sa pagtatrabaho. Habang ako, heto at nakahiga lang. Gustuhin ko man tumulong pero hindi pa ako pweding lumabas dahil hindi pa hilom ang mga sugat na natamo ko. Panay pa din ang check up sa akin ng doktor kung bumabagasak ba ang blood count ko o ano pa. Kahit ang iba kong injuries ay dinadaluhan na at nililinisan ng mga nurse. Nagpatuloy ang araw ko sa hospital habang pinapahin

