"Joseph!" Sa isang yugyog ay napabalikwas ako sa higaan habang habol ang paghinga. Butil ng pawis ang tumutulo sa aking noo. "Joseph..." Mahigpit kong hinawakan ang damit ni Lumen para doon humugot ng lakas. Madilim pa din ang silid. Agad akong bumaling sa pinto. Nakasara iyon at mukhang wala namang pumasok. Panaginip. Panaginip lang pala... Akala ko nandito si Arturo. Akala ko natuntun niya ako. Akala ko...mamatay na ako. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Lumen. Binalik ko sa kanya ang aking tingin at pinakalma ang aking puso na mabilis ang pagtibok. Hanggang ngayon ramdam ko pa din sa balat ko ang kilabot. Tumalikod sa akin si Lumen at binuksan ang ilaw. Kumuha siya ng tubig at bumalik sa akin. "Uminom ka muna oh." Tinanggap ko naman iyon at nilagok ang tubig. Binalik ko sa kany

