Mas tumatapang na ang killer. 'Yon ang nasa isip ko. Nakatulala ako habang naglalakad pabalik sa apartment. Marami ang tumatakbo sa isip ko at hindi ko maiwasan matakot para sa seguridad ng lahat. Kung totoo ang sinabi ni Alvin tungkol sa killer, nasa malaking kapahamakan ang Assunta. Mas delikado na ngayon ang mga bata, at mas mapanganib na ang paglabas. Pinakawalan din ako ni Alvin kanina nang may binigay siya sa akin sulat. Isang liham ng pamamaalam kung sakaling matagpuan siyang patay. Gusto ni Alvin na ibigay ko 'yon sa mga kamag-anak niya. "Pasensya na at nagawa kong dukutin ka. Sa ganitong paraan ko lang masasabi ang gusto kong sabihin sa'yo." Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy siya habang tinatanggal ang tali sa paa ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Kunh sakaling mapatay ako

