Mas nagiging delikado na ang killer ngayon. Kahit matanda ay mukhang pinapatay na niya. Kung doble ang pag-iingat namin dati, dapat mas dagdagan pa ngayon. Nagtawag na ako ng awtoridad para ipadala ang mga bangkay sa morgue. Nakakuha na ako ng sapat na litrato para maging ebidensya. Pinanatili ko sa tamang kostodiya ang mga ebidensya dahil kakailanganin iyon kapag nag-finalize na ang court kapag sisintensyahan ang killer. Sinubukan kong tawagan si Chexter pero hindi ako nito sinasagot. Kahit ang text na pinapadala ko ay hindi rin nito nirereplyan. Nageexpect ako ng resulta sa araw na 'yon mula sa mga sample na nakalap ko pero wala akong natanggap na kahit ano. Ayaw ko mang mag-isip ng masama pero hindi ko maiwasan dahil hindi katiwa-tiwala si Chexter lalo na sa mga ganitong bagay. Napi

