Nawawalan na ako ng pag-asa na mabuhay sa oras na iyon. Nanginginig na ang katawan ko sa sobrang lamig at hindi ko na mawari kung totoo ba ang mga nakikita ng mata ko. Nagmamalik mata ba ako? Sa namumungay na mata, sinubukan kong tignan ang isang maliit na bulto ng katawan sa sala. Naroon siya at naglalakad. Mabilis ang paghinga ko at lumukob sa akin ang takot. Imposible! Hindi ito maaari... Patay na siya! Patay na si Athena! Bakit pa niya ako ginagambala? Nagmumulto ba siya? Pero hindi naman totoo ang multo eh! "Patay ka na! Patay ka na! Patay ka na!" siksik ko sa isip ko. Pinilit kong itayo ang katawan ko at tinakbo ang daan palabas ng bahay. Sa kakatakbo ko, nadatnan ko ang malakas na buhos ng ulan. Luminga linga ako sa paligid at nakita ang isang maliit na kubo. Hindi ko alam k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


