Nakalabas ako ng bahay at tinanaw ang nasusunog naming bahay. Tinutupok na ito ng apoy at wala akong nagawa kundi umiyak na lang at manood. Luminga linga ako sa paligid para hanapin ang mga magulang ko. Kaso hindi ko sila mahanap. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta at kung totoong iniiwan na nga nila ako. Tumakbo ako papunta sa gubat at hinanap sila doon. Malamig ang simoy ng hangin sa umagang iyon at nilalamig ako. Niyakap ko ang aking sarili para maibsan ang panginginig at para uminit ang aking katawan. Nakapaa lang at walang suot na tsinelas habang naglalakad sa masukal na gubat. Hindi ko na ininda ang kahit anong sakit na natatamo ko sa mga naaapakan na matutulis na bagay. Ang mahalaga ngayon ay mahanap ko si mama at papa. Nasaan na ba sila? Humingi ba sila ng tulong sa baryo? T

