Gusto kong mawala si Athena. Wala akong pakealam kung anong paraan man iyon, basta gusto ko siyang mawala sa buhay namin ng mga magulang ko/ Yan ang nasa isip ko habang naglalakad na ako pauwi sa bahay. Kapag kasi nawala ang batang yon, mababalik sa akin ang atensyon ni mama at papa. May pag-asa pa na mahalin nila ako. May pag-asa pa na magbago ang trato nila sa akin. Humalakhak ako habang nakatingin sa kapaligiran. Nagiisip ako kung paano ko mawawala si Athena sa buhay namin. Hindi naman pweding patayin ko siya sa harap ni mama at papa...baka mas lalong magalit sa akin ang mga magulang ko. Natigilan ako at may naisip. Paano kaya kung iwala ko siya sa gubat at iwan dito hanggang sa mamatay siya at kainin siya ng mababangis na hayop? Pwedi diba? Pero… Paano ko naman gagawin yon? Duduk

