“Ah! Jaron!” sigaw ni Monique habang patuloy ko siyang hinahalikan sa leeg at nilalamas ang kaniyang dibdib.
“Shh. Baka marinig tayo. Sige ka, ititigil ko ‘to.”
Nandito kami ngayon sa may likod ng college building. Kaklase ko si Monique at matagal na siyang nagpapakita ng pagkagusto sakin, ngayon ko lang pinatulan. Paanong hindi? Gusto kong makalimot.
Halos dalawang buwan din ang nakalipas pagkatapos ng pangyayari sa boardwalk. Hindi ko na siya hinanap at wala na din akong balak pang kilalanin siya. Sigurado naman na nakalimutan na din niya ako. So para saan pa? Lahat ng rasong yan ay halos araw-araw ko ding sinasabi sa sarili ko para lang tumigil ako sa kakaisip sa kaniya. Ayokong maging komplikado ang buhay ko lalo pa at mahihirapan ako sa kaniya dahil araw-araw niya akong makakalimutan.
Wala akong mapagsabihan ng nangyari ng gabing yun sa pag-iisip na hindi naman na kailangan pang malaman ng iba, kahit si Randall. Kaya lang, nang makita niya akong nagsesearch sa computer lab noong isang lingo tungkol sa Anterograde Amnesia ay hindi na ako nakatanggi at naikwento ko tuloy sa kaniya.
“What the hell dude? Stop mo na ‘yan. Ano yun araw-araw ka ding magpapakilala sa kaniya kapag magkasama na kayo?”
Nagkibit ako ng balikat dahil yun din ang nasa isip ko. Parang.. ang hirap naman nun. Parang nakakapagod.
“Oo. Ayoko na din. Nandyan naman si Chantal para paligayahin ako,” sabi ko na agad naman niyang ikinagalit.
“Tangina mo Jaron ha! ‘Wag ang kapatid ko! Makikita mo!”
“Sorry pero nakapikit ako,” sabi ko at pumikit.
At sa oras ng pagsarado ng mga mata ko, nakangisi niyang mukha ang biglang lalantad sa isipan ko.
Kagaya nalang ngayon…
Malakas kong naitulak si Monique sa gulat.
“Aray! Ano ba Jaron!” sabi niya at marahas na nagpagpag ng kaniyang palda pagkatapos tumayo.
Sinarado ko ang zipper ng pants ko at napahilamos sa mukha.
“Sorry Monique. Biglang sumakit ang ulo ko,” sabi ko na hindi naman niya pinaniwalaan.
“Ewan ko sayo Jaron pero lagi ka nalang ganyan!”
Padarag niyang kinuha ang bag sa may tabi at umalis ng hindi ako nililingon. Hinayaan ko siya at kumuha ako ng Marlboro na blue sa bag.
Agad ko iyong sinindihan at nakita kong nilapitan na ako ng babaeng kanina pang nakatingin sa malayo.
“Balik ka na ng classroom Chantal.”
Umupo siya sa may bench sa may gilid ko kaya napalingon ako sa kaniya. Bigla ko tuloy siyang nabugahan sa mukha ng usok ng sigarilyo.
“Jaron..” panimula niyang may kahulugan.
“No Chantal. Please off limits ka sakin,” sabi ko at sunod-sunod na nagbuga ng usok.
“Gusto ko lang makipagkaibigan please, Jaron.”
“Huwag mo ‘kong lokohin. Alam kong hindi pagkakaibigan ang gusto mo.”
Hindi pa nakakalahati ang sigarilyo ay tinapon ko na ito sa lupa at inapakan. Tumayo na din ako at tinignan siya.
“Sabi ni kuya wala ka naman daw girlfriend. So bakit off limits ka?”
“Ayoko lang sayo. Bumalik ka na ng classroom.”
Madramang tumikhim ang babae sa may gilid ng building na kararating lang.
“Come on Chantal. Don’t waste your time with that scumbag.”
“Pero..”
Nilapitan siya ng girlfriend ni Randall at hinila na papalayo.
Ayokong magpaasa. Kahit ilang beses kong sinasabi sa kanila na hindi ako ready sa commitment ngayon ay hindi nila iyon maintindihan. Kaya ang ending, umaasa pa rin sila hanggang sa magdesisyon akong itigil ang kung ano mang landian meron kami. Pero itong si Chantal, never ko siyang sinama sa listahan ng mga babae ko. Bro code. Kapatid siya ni Randall at hindi ko siya gusto.
Napatingala ako nang sumagi na naman sa isip ko si Kai. Sinusubukan kong kalimutan siya. Sinusubukan kong maramdaman sa ibang babae ang nararamdaman ko sa kaniya pero wala. Tama nga siguro si Zayn, tinamaan ako ng sobra sa babaeng yun.
Maraming tao sa café ngayon. May bago kasing labas na flavor ng bubble tea na pinipilahan lalo na ng mga kabataan.
“Jaron, table 7!”
Wala akong sinayang na segundo at mabilis ko iyong kinuha at niserve sa dalawang babae na nagkukwentuhan. Malaki agad ang ngisi nilang dalawa at narinig ko pa ang bulungan.
“Crush mo Nicole.”
Kinagat ko ang labi ko at bumulong na rin. “Enjoy your tea Ma’am.”
Bumalik ako sa loob at sa malayo palang ay kita kong medyo nagkakagulo. Pabalik-balik ng lakad si Matteo at may kausap sa cellphone. Bigla niya iyong binaba at napahawak siya sa noo.
“Bakit? Anong problema Matteo?”
“May 2 orders tayo sa grab pero hindi pa din nakakabalik ang mga riders.”
Napaisip din tuloy ako. Dala ko ang motor ko at tingin ko naman kaya ko ‘yong puntahan ng mabilisan.
“Saan ba? Ako nalang ang magdedeliver?”
Biglang nagliwanag ang mukha ni Matteo.
“Sure ka? Dyan lang naman sa may Cloud 9.”
Tumango ako at kinuha ang mga orders pati ang location ng pagdedeliver’an.
Fuck! Sobrang init! Buti nalang uminom ako ng madaming tubig bago umalis sa café dahil kung hindi ay baka bigla nalang akong mahimatay sa daan dahil sa init ng araw.
Nauna akong nagdeliver sa may loob ng bahay malapit sa may boardwalk. Pinindot ko ang doorbell at dinig na dinig ko ang pagalit na sigaw ng babae habang papalabas ng gate.
“Ang tagal-tagal! Sa susunod nga Marie ‘wag ka na umorder dun sa café na yun!”
Hawak ko sa kaliwang kamay ang cellphone at nasa kanan naman ang paper bag na order.
“Ito na po ang order nyo Ma’am. Pasensya na po at natagalan. Hindi pa po kasi nakakabalik ang mga riders galing sa deliver eh,” malumanay kong sabi sa babae na ngayon ay nakalaglag ang panga at nakatingin sakin.
Akala ko mumurahin ako pero hindi. Binuksan niya ang gate at nakakagat labing kinuha sa kamay ko ang paper bag.
“Okay lang. Kanina ko pa kasi gustong tikman ang bagong flavor ng t-tea ninyo eh.”
Ngumisi ako sa kaniya at inabot ang sukli.
“Enjoy your tea Ma’am!”
“S-sure! Sure!”
Hawak ang isa pang paper bag ay dumiretso na ako para sa isa pang order. Hula ko ay bubble tea din ito dahil malamig at nakalagay ito sa plastic bago binalot sa paper bag.
Diretso lang akong naglalakad sa may tabi ng boardwalk nang mapayuko ako sa paglalakad ng muntikan akong matamaan ng bola ng nag-vovolleyball.
“Watch out Kylie!”
“Ay! Sorry po kuya!” nagpeace sign yung nakatwo piece na babae sakin kaya napatawa nalang ako. Smexy legs.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagdasal na sana hindi galit ang umorder nito at baka ibuhos sakin ang bubble tea. Pero hindi ko akalaing ibang problema pala ang kakaharapin ko nang mapahinto ako sa paglalakad at mapansin ang sunod na location ay sa mismong resort na tinuro two months ago ni Kai.
Shit!
Kinalma ko ang sarili at napalingon sa order. Huwag ko nalang kaya ideliver? Kunyari walang tao? Langya! Nakokonsensiya naman ako na hindi ideliver. Baka naman isa sa mga stay-in ang umorder nito. Mapasama pa ang image ng café nina Matteo. At isa pa, November na. Imposible naman na nandyan pa din sila ng family niya.
Nagkibit nalang tuloy ako ng balikat at dumiretso sa loob kahit na may konting kaba akong nararamdaman.
Unang bumungad sakin ay ang malaking bato sa may entrance. Ngayon lang ako nakapunta dito kasi hindi naman kami pumapasok ng resort nina Randall. Malapit lang din ito sa amin at isa pa, mas gusto naming nasa dagat at magsurf kaysa humilata sa lounge area ng resort.
“Finally! Come here!”
Napalingon ako sa babaeng naka-wayfarer at nakahiga sa kulay blue na teak steamer chair. Nakalingon ito sa banda ko at alam kong hindi niya ako nakikilala.
Lumapit ako at hindi ko maalis ang tingin sa kaniya sa pag-aakalang wala na sila dito. Napamura ako sa isip ko.
Kapag minamalas ka nga naman!
Inabot ko sa kaniya ang paper bag at naghihintay nalang na ibigay niya ang bayad para makaalis na ako.
“Sinabi mo ba sa nagdeliver na napakawalang kwenta ng service nila? Kanina pa akong nag-aantay ng order ko!”
Talagang! Ang kapal!
“Hindi po Ma’am kasi gwapo naman po ang nagdeliver,” sarkastimo kong sagot.
Bigla niyang binaba ang sunglasses at umirap sakin.
“Gwapo? I can’t even see a good looking man or even an average in this island! Don’t fool me!”
Bulag ka ba? Nasa harap mo na oh! Hindi lang average kundi lagpas sa langit na! Pero hindi nalang ako umimik para tapos na.
Para siyang switch ng ilaw. Minsan mabait, madalas mataray. Walangya!
“Sige po Ma’am. Magtatrabaho na po ako,” sabi ko at naglahad ng kamay sa harapan niya para sa bayad niyang order.
“Anong magtatrabaho? I already told Jane that I needed someone here with me. This island is just so boring!” maarte niyang sabi at inabot ang sketchpad sa may gilid na lamesa habang umiinom ng tea.
Ano ba naman ‘tong pinasok ko! Dapat talaga hindi na ako nagtangkang pumasok pa dito sa resort na to eh! Napagkamalan pa tuloy akong helper.
“Sige na nga libre ko nalang yun sayo,” as if naman magbabayad ka pa tss.
Napakamot ako sa ulo at akma akong tatalikod na at aalis nang maramdaman ko ang basa at malamig niyang kamay sa kamay ko.
“Hey! Please. Stay here. Para akong mababaliw dito kasi wala akong makausap.”
Huwag kang papauto Jaron! Kelangan mo ng bumalik ng café hindi mamaya, hindi bukas, kundi ngayon! Asap!
Lumingon ako sa kaniya at nakita kong nakapuppy eyes ang kaniyang mga mata. Pero syempre hindi ako nagpaapekto.
“Leave me alone!” sigaw ko at inalala ang mga English line na napapanood ko sa TV.
Kumunot ang noo niya at hinila pa ang kamay ko papalapit.
“Pretty please?” nag-pout pa siya ng labi.
Nakita ko tuloy ng malapitan ang sobrang pulang labi niya pati ang maliit na dimple sa may gilid ng labi niya. Sobrang liit lang ng dimple niya na kapag una mong titignan ay hindi masyadong mahahalata. Shutangina!
Hindi ko alam kung anong magiging desisyon ko. Kelangan ko muna magisip-isip. Hmm. Okay napag-isipan ko na.
Umupo ako sa space sa tabi niya at nakita kong napapalakpak siya.
“Thank you!” sabi niya at nilagay sa may table ang bubble tea at nagpatuloy sa pagiissketch.
Ano naman ang gagawin ko dito? Tititigan siya? Okay sige.
Tinitigan ko siya ng halos dalawang minuto. Akala ko ba Jaron turned off ka? Akala ko nga din eh pero ang hirap pala kalaban ang isip at puso na nagsasabing, gusto ko pa rin siya. Kahit pagkatapos kong malaman ang lahat, attracted pa rin ako sa kaniya.
Napaiwas ako ng tingin nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya. Napalingon tuloy ako sa tattoo niya sa may balikat.
“I’ll have my online class later. Gusto ko munang makakita ng tao sa labas ng kwarto.”
“Kailan ba ang balik ninyo ng Batangas?”
Nagulat siya sa tanong ko pero sinagot niya pa rin nang may pagtataka. s**t! Hindi nga pala niya naaalala na naikwento niya sakin yun!
“Don’t know. Depends kay kuya. He wants to manage the resort for a while.”
Tumango nalang ako at hindi na umimik. Baka kasi may masabi pa kong dapat ako lang ang nakakaalam.
Pinong-pino siyang nagddrawing sa sketchpad ng isang malaking shell. Black and white lang ulit yun at puro shading lang ang ginagawa niya para lagyan ng emphasis.
Walang imik kaming dalawa habang patuloy pa din siya sa pagsketch nang bigla akong may maalala.
Agad kong binuksan ang messages ko at tama nga ang hinala ko! Hinahanap na ako ni Matteo!
From: Boss Matteo
San na u?
From: Boss Matteo
Bakit ang tagal mo?
From: Boss Matteo
Langya ka Jaron! Huwag mo sabihin sakin na nambababae ka na?! Madaming orders dito!!
To: Boss Matteo
Sorry Mat. Naubos ang gasolina ko. Wag ka na mag-alala kasi babalik din ako mamaya! Mwuaps :-*
Naiimagine ko na tuloy ang galit ni Matteo. Patay ako dun mamaya!
“My pencil!”
Napabaling agad ako kay Kai at nakitang nahulog sa buhangin ang lapis niya. Yuyuko na sana ako para pulutin nang inunahan niya ako sa pagyuko. At dahil nakasoot siya ng sleeveless na dress na medyo loose sa bandang dibdib, at inaamin kong hindi ako banal, ay aksidente kong nakita ang pinkish niyang n****e na sumilip sa itim niyang strapless bra! Holy mother of cheesecake!
Hoy! Hindi ko kasalanan yon!!
Para akong ginawang bato ni Medusa dahil hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko!! f*****g s**t!
“Hey! You okay? You’re kinda blushing,” aniya at hinawakan pa ako sa mukha.
Napatayo agad ako sa gulat! Biglang nag-init ang pakiramdam ko sa ibang naiisip!
“Woooo! Ang init sa Pilipinas!” sabi ko habang nakatayo at pinapaypayan ang sarili gamit ang cellphone. “Sorry. Medyo namumula talaga ako kapag medyo naiinitan eh,” palusot ko pa.
“Really? Sit beside me again. I’ll give you my fan.”
Inabot niya sakin ang kulay blue na mini fan at binuksan iyon. Wala tuloy akong choice nang agad kong naramdaman ang hangin.
Umupo na din tuloy ako sa tabi niya at hinawakan ang fan pero ang likot ng mata ko ay napapapunta sa bandang dibdib niya. Gusto ko tuloy sampalin ang pisngi ko. Damn!
“What’s your course by the way?” tanong niya.
“Ah. Chemical Engineering. Ikaw?”
“Bachelor of Fine Arts.”
Kaya pala mahilig at magaling siyang magdrawing! Napasulyap ako sa katatapos lang niyang na-sketch na shell. Maganda iyon kahit na walang kulay.
“Do you want me to teach you how to draw?”
Umiling agad ako.
“You know what? I wanna learn how to surf.”
Hmm. Gusto ko sana siyang turuan ngayon pero masyadong delikado ang oras. Baka abutin ako ng gabi pabalik at talagang baka patayin na ako ni Matteo.
“Gusto mo bang turuan kita bukas?” tanong ko naman ngayon sa kaniya.
“Sure! What time will it be?”
Wala akong duty bukas dahil Linggo. Ang sigurado ako ay magyayayang magsurfing sila Randall sa may Salvacion. Hindi nalang muna ako sasama sa kanila.
“Okay na ba sayo ang 6am?”
“That’s too early!”
“Well, mas magandang magsurfing kapag umaga.”
“Okay sige,” tumango naman siya at biglang lumipad ang isip kung paano siguro gigising ng maaga bukas! Hahahaha! Paano naman akong malayo pa ang panggagalingan! Edi mas maaga akong gigising!
Ngayon, ang problema ko nalang ay paano niya maaalala na may surfing kami bukas? Hmm.
“Pahiram nga ako ng cellphone mo,” sabi ko.
Binigay niya sakin ang cellphone at lumapit ng konti para makita kung ano ang gagawin ko. At kagaya nalang ng pinagdarasal ko kanina pa, ay naramdaman ko ang paglapat ng dibdib niya sa braso ko! Damn!
Isang black and white picture ng balikat niya at kita ang tattoo ang nasa wallpaper niya. Mabilis ko iyong niswipe at nagulat pa nang mabilis ko lang nabuksan iyon dahil walang password. Oo nga pala, makakalimutin siya hehe.
“Ayan. Nag-alarm ako ng 5am dito, para magising ka. Tapos isa namang 6am na may caption na ‘surfing lesson’ para hindi mo makalimutan, okay?” sunod-sunod kong sabi at nilingon siya sa may gilid ko.
Nakalapat ang baba niya sa may taas ng braso ko nang sumulyap din siya sakin at umirap.
“5am? That’s too early! Why don’t you knock on my door when it’s 6am already?”
Shit! Paano ko ba malulusutan to! Ang alam kasi niya ay helper ako dito sa resort nila eh!
“Ah basta. Kailangan mong gumising ng maaga or else, babatuhin ko ang bintana mo para magising ka.”
Lumayo siya sakin at napangiwi. Napalingon din tuloy ako sa tinignan niyang malaking bahay sa may gilid ng resort nila. Ito siguro ang bahay nila.
“Fine. Whatever loser.”
Aba’t!!!!
“Hep! Kanina ka pa ah! Ayoko ng mga lumalabas sa bibig mo ha!”
Ngumuso siya sa akin.
Lumipad na tuloy ang tingin ko sa may malayong dagat at ang tanging iniisip ko nalang ngayon ay kung anong mangyayari bukas.