bc

When September Begins

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
sporty
drama
bxg
mystery
witty
highschool
like
intro-logo
Blurb

Jaron Edric Maravilla is a good surfer and a well-known playboy in Siargao. He often chased by women and afraid of commitment until he meets Serena Kai Allen; the beautiful lady from Batangas. His world suddenly turned majestic and very ready to commit until discovering she has a short-term memory loss and forgets him every now and then. He tried stopping himself but then his heart was beating differently; it is to know her more and love her more than she deserves. Will he let his heart win this time or follow his mind that tells him to stop this madness?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Remember me, though I have to say goodbye Remember me, don't let it make you cry For even if I'm far away, I hold you in my heart I sing a secret song to you each night we are apart Remember me, though I have to travel far Remember me each time you hear a sad guitar Know that I'm with you the only way that I can be Until you're in my arms again, remember me” Nakasalampak ako sa sofa habang pinapanood ang paboritong movie ng kapatid ko na ngayon ay dumedede sa harapan ko. Napamura ako sa sarili at tinignan ang orasan. Nak ng! Ang tagal naman umuwi ni mama. “Jaxon, don’t shut the door if I’m in the outside” napakamot ako ng ulo ng hindi maintindihan ng kapatid ko ang sinabi ko, inulit ko tuloy. “Ah basta ‘wag mo isarado ang pinto kapag lumabas ako ha?” na hindi parin niya naintindihan dahil Englishero siya. Tumakbo ako papalabas ng bahay at nilagyan ng harang ang pinto para hindi masarado ng tuluyan. Kaltog na naman kasi ako nito kay mama kapag nalock na naman ang kapatid ko sa loob eh. Dumiretso ako sa malapit na tindahan na madalas kong tambayan. Wala masyadong nakatambay ngayon dahil September na. Kadalasan sa mga lalaki dito ay nasa dagat at nagsusurfing ng ganitong buwan. “Pabili nga po. Isang stick ng Marlboro na blue” sabi ko at hinubad ang damit sa sobrang banas. Inabutan ako ni Aling Marie ng sigarilyo at lighter na agad ko namang sinindihan. “Aba Jaron, bakit nandito ka pa? Kanina pang nagsusurfing sila Randall sa Salvacion” ani ni Aling Marie at sinulyapan pa ang aking six pack abs. “Susunod po ako mamaya” sabi ko at binuga ang usok sa hangin. Sumandal ako sa gilid ng tindahan at tumambay ng konti. Ang banas! Para akong piniprito ng hilaw dito sa gilid ng tindahan. Malapit ko nang maubos ang sigarilyo ng makarinig ako ng pamilyar na sigaw. “Jaronn!!!!” Agad kong tinapon ang sigarilyo at naglakad papalayo ng tindahan. Ayos! Nandito na si mama! Pabaliktad kong sinuot ang aking damit at tumakbo papalayo ng bahay namin. Nakita ko pang hinabol ako ni mama na may dalang pamatpat. “Love you mama!” nagflying kiss ako at hinablot ang bike na lagi kong ginagamit kapag pupunta ng Salvacion. Tawanan agad ang narinig ko nang makarating ako sa Salvacion. Nakita kong nag-aayos ng leash si Randall nang makita niya ako. Puta nararamdaman ko na naman ang sasabihin ng kupal na ‘to. “Jaron! Ang pinakababaerong lalaki ng Siargao!” “Randall ulo mo green hayop ka!” balik kong sigaw. Sinuntok niya ako sa dibdib pagkalapit ko. Agad kong hinubad ang damit at kinuha ang surfboard na may straw hat pirates na design. “Kanina pa kayo dito Randall?” “Oo erp” si Josh ang sumagot at tinulak pa ako. “Jaron ‘di ba matinik ka sa babae? Sige nga lapitan mo ‘yun.” Tinigil ko ang pagtatali ng leash at sinulyapan ang tinuro nila. May isang maputing babae na nakasandal sa puno ng niyog hindi kalayuan sa amin. Naka two-piece ito at may hawak na libro sa kamay, sa gilid ay may lalaking natutulog. Napailing ako agad at pinagpatuloy ang pagtatali. “Mga gago may jowa.” “Narinig kong tinawag niyang kuya yan kanina baliw.” Nagkibit ako ng balikat at naglakad na papalapit sa dagat. Sumakay ako sa surfboard at nagpaddle papalayo. “Tipo mo mga mapuputi Jaron, ‘wag ako” sunod na sabi ni Josh. Tumawa ako at sinabuyan siya ng tubig-dagat. “Anong pinag-uusapan nyo? Chix ba ‘yan? Kung hindi, hindi ako interesado” singit ni Randall sa gilid ko. Tarantado! “Itong si Jaron bet yung maputing babae.” “Tumigil kayong dalawa” natatawa kong sabi habang pinagmamasdan ang papalapit na alon. “Ipupusta ko ang surf watch ko, mamaya lalapitan yan ni Jaron” sabi ni Randall at nagpaddle papalayo sa akin. “Tss, mga tanga” medyo distracted ako nang binalanse ang sarili at tumayo sa surfboard. Shit f**k! Hindi pa ako nakakatayo nang maayos ng mabilis na nilamon ng alon ang aking katawan. Nauntog pa ang ulo ko sa surfboard! Walangya! Nagtawanan sila Randall at Josh na nasa gilid ko na. “Distracted ampota.” “Fck! Tumigil nga kayo. Ihahampas ko ‘tong surfboard sa mukha mo Randall makikita mo.” “Sorry pero nakapikit ako.” Mabilis na tumayo si Josh sa surfboard at sumipol nang malakas. “Tanginamo Josh, kapag napaaway tayo dito.” Napalingon ako sa babae at nakaangat na ang tingin sa amin. s**t! Buti nalang tulog parin ang kuya nito. Binalik niya ang tingin sa binabasang libro at sumandal patagilid sa kuya niya bago ako nagpaddle papalayo. Nagtawanan kami at nagpatuloy sa pagsusurf. Pero ako? Hindi ko alam pero kada limang segundo ata ay napapasulyap ako dun sa babae. Sht! Attracted kasi talaga ako sa makikinis at mapuputing babae! Ilang beses na akong nagkaroon ng girlfriend at iisa ang kulay ng balat ng mga ito, lahat mestisa. Bagay lang at tamang tama sa moreno kong balat. At syempre ang gwapo ko kaya! Lumayo kami ng kaunti at mas ginanahan pang magsurf nang makita ang naglalakihang alon. Nakita ko pang pati sina Matteo ay lumapit din samin. “Bro sa Sabado” Tumango ako sa pinsan ko at nagpatuloy sa pagpaddle. Halos dalawang oras kaming nagbabad sa dagat at ng mapagod ay nagkayayaang mag-inom sa tindahan ni Aling Marie. “Susunod ako” sabay suot ng t-shirt. Alas-singko na ng hapon at unti-unti nang lumulubog ang araw. Nakita kong iilan nalang ang mga lalaking nagsusurf sa dagat at ang ilan ay nag-aayos na ng surfing board. Isa na dito si Randall na nakabungisngis sakin ngayon. Parang tanga. Malakas niya akong hinampas sa balikat at bumulong. “Goodluck bro! Itayo ang bandera ng Surigaonon!”  “Baliw!” napatawa ako at sinulyapan ang babae na nasa may tabing puno ng niyog pa din, at mag-isa na ngayon. “Bago tayo magkalimutan Randall, nasan ang surf watch mo?” sabi ni Josh na agad binatukan ni Randall “Tanga, wala akong ganon!” natatawang sabi ni Randall at naglakad na sila papalayo. Umalis na ang mga mokong kaya naman unti-unti na akong lumapit sa may puno ng niyog. “Did you know that if I press this, you will get the cruelest punch you’ll ever have in your life?”   Napatigil ako hindi dahil nagsalita siya kundi dahil sa hindi ko iyon maintindihan. “Ako ba ang kausap mo?” “Fool” umirap siya at may pinakitang maliit na bilog na pula. “This is a panic button. Now, you want to taste the punch?” maarte niyang sabi Hindi ako mahilig sa maarteng babae pero sige bibigyan ko siya ng chance para magbago ang isip ko sa kanya. Hahaha! As if naman may pakealam siya sa iisipin ko sa kanya? “Sorry pero iba ang gusto kong tikman eh” ngumisi ako ng nakakaloko. Nanlaki ang mata niya at bigla akong sinampal. Parang umikot ang paningin ko sa lakas ng sampal nya! Woah! “Aray! Reincarnation ka ba ni Hitler?” Napahawak ako sa pisngi ko na sigurado akong mapula. “That’s your fault for saying lecherous thing!” Anak ng! Hindi ba ‘to marunong magtagalog? Nahihirapan akong intindihin ang English nya. Next time siguro kelangan ko ng dalhin ang dictionary sa bahay. “Pwede bang pakitagalog ng sinabi mo?” “What? Aren’t you studying? You must know how to speak or even understand English language," ngumuso siya at sinarado ang libro. Napatitig ako sa labi niyang kumikibot sa bawat salita. Mapulang-mapula ito na nakakurba sa perpektong paraan. Pati ang kanyang pisngi ay mamula-mula dahil sa init ng araw kanina. Kulay brown ang mga mata niya at nakalugay ang mahaba at kulot nitong buhok. Sht! I like her! Kailangan ko nalang malaman kung ilan taon na siya. “Ang ganda mo” biglang sabi ko at nakita kong mas lalong pumula ang kanyang balat. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos papalapit samin. Fck! “Teka, anong pangalan mo?” Nakakunot ang kanyang noo sa akin at nakita kong mabilis niyang pinindot ang panic button. s**t! Hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya! Bago ko pa malaman ang pangalan niya at mahuli ng kuya niya ay mabilis na akong tumakbo papalapit sa bike ko at umalis. Pagkarating sa tindahan ay agad akong tinanong nina Randall kung anong nangyari. Nagkibit lang ako ng balikat at walang sinabi. Bukod sa hindi ako palakwento pagdating sa mga babae ay wala rin naman ako maikkwento sa kanya kasi hindi ko nakuha ang pangalan ng babae sa Salvacion.   Nagtawanan kami magdamag at napag-usapan na bumalik kinabukasan para magsurf ulit. Syempre ako, para magsurf at ‘makipag-kaibigan’. Pagkarating ay agad kong nilinga ang paningin ko pero hindi ko siya nakita. Nagkibit ako ng balikat at nagpasyang magsurf nalang. Kaya lang, kinabukasan ay mas pinili kong hindi pumasok sa school para lang bumalik ulit at tignan kung nandon siya. “f**k!” sigaw ko ng wala akong nakitang ni anino niya. Hindi ako desperado pero bihira lang ako magkagusto sa babae, at gusto ko siya! Kumbaga ay once in a blue moon lang ako maattract kaya gusto ko sanang ituloy ito pero paano at hindi naman siya bumabalik ng Salvacion. Napailing ako sa naiisip. Nagayuma ata ako? Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Halos ay kada-linggo ako magyaya na pumunta sa Salvacion para magsurf at sa tuwing wala akong nakikitang maputing babaeng naka two piece at nagbabasa ng libro ay parang disappointed ako. Halatang-halata iyon nina Randal kaya lagi din nila akong kinakantsawan tungkol don. “Jaron nababaliw ka na.” “Pinagsasabi mo?” nakapikit kong tanong habang nakahiga sa braso ko na nasa buhangin at nilalanghap ang preskong amoy ng… sigarilyo? Napamulat ako bigla. “Puta Josh pwede bang ‘wag mo sakin ibuga yang usok ng sigarilyo mo?” Nagdirty finger lang sya sakin sabay buga ng hangin sa tabi niyang si Zayn. “Fck you dude!” galit na sabi ni Zayn at lumingon sa banda ko “So anong plano natin ngayon Jaron?” “Anong anong plano?” “Babalik pa ba tayo dito bukas? Kasi ako, ayoko na nangingitim na yung skin ko,” maarte niyang tinuro ang hati niyang kulay sa braso. Binatukan siya ni Randall. “Samahan nyo kaming magpractice ni Jaron. Sasali ulit kami sa Siargao Surfing Cup next month.” “Sige ba, basta may balato ulit kami kapag nanalo.” Kaya naman mabilis na lumipas ang mga araw. September na at dumating na ang araw ng surfing competition. Madalas kaming sumali ni Randall at halos kaming dalawa lang ang naglalaban sa championship. Sheesh! Paano ba naman eh simula pagkabata namin ay namulat na kami sa surfing. Nilingon ko ang paligid at nakitang maraming tao kahit na may ilang minuto pa bago magsimula. Nakasuot ako ng wetsuit na kulay black habang walang tapos akong kinakausap ni mama sa gilid. “Enjoy mo lang ulit anak okay? Basta isipin mo nalang na proud na proud na kami ng papa mo sa’yo. Nakikita ko na ang pagtupad mo sa mga pangarap mo.” Pwew! Hindi ko na napigilang magsalita. “Mama, hindi pa ‘ko gagraduate. Sasali lang ako sa surfing competition ano ba.” Umirap siya sakin at hinalikan ako sa pisngi. “Wag mong sirain ang momentum ko, basta galingan mo!” Tumango lang ako at lumapit na sa kaibigan kong kanina pang umiismid sakin. Gusto ko na agad takpan ang tenga ko dahil alam ko na naman ang sasabihin nito. “Jaron! Ang pinakababaerong surfer ng Siargao!” Pabiro kong sinuntok sa balikat si Randall at tumawa. “Ingat ka ha, baka makain ka ng pating.” “Okay noted. Pampalubag loob ko nalang sayo kasi alam kong matatalo kita today.” “F you!” “Harder Baby Jaron!” Umiling ako at sinuklay papalikod ang aking basang buhok nang sa di kalayuan ay may napansin akong nakatitig sa akin. Nakasuot ito ng white sleeveless dress at may sombrero na kulay brown. Nakabuka ang kaniyang bibig at nakatitig nang malala sa akin. May hawak din siyang lapis sa kaliwa at sketchpad sa kanang kamay. Shit! Parang nag-stop yung puso ko sa nakikita ko. Biglang gumalaw ang kuya niya na nasa tabi niya. Agad kong iniwas ang tingin ko dahil baka nagsumbong siya dati noong nagkita kami. Naghintay ako ng biglang may susuntok sa akin at hinanda na ang sarili pero walang dumating kaya naman binalik ko ang tingin ko sa kanya. Magkausap sila ng kuya niya pero napapabalik siya ng tingin sa banda ko. Hindi ko tuloy maalis ang tingin ko kasi tumitingin siya pabalik! Tangina!! “Randall” tawag ko sa kaibigan kong nakikipag-usap sa girlfriend niya. Lumingon siya sa akin ngunit hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng nakatitig pa din sa akin ngayon. Hindi ko maalis ang titig ko sa kanya dahil natatakot ako na kapag inalis ko ang tingin sa kanya ay bigla nalang siyang aalis o mawala sa paningin ko. “Bakit dude?” Nang hindi ako sumagot at sinundan nya ang tingin ko. Napamura siya sa gilid. “f**k. Is that her?” Tumango ako. “Yes. She’s here,” at sa araw pa talaga ng competition. Shit! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
29.3K
bc

The Forgotten Wife

read
43.0K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
46.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.3K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
101.0K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
28.5K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook