Chapter 1

2724 Words
Kaba. Akala ko tuwing may exam lang at graded recitation ko yun mararamdaman pero nagkakamali ako! Halos pagpawisan ako ng malamig habang nakatayo at sumusulyap sa babaeng nakaupo sa buhangin at malagkit ang titig sa akin. Pwew! Hindi ko pala alam kung siya ba ang malagkit ang titig o ako. Hindi ako makapagfocus kaya naman malaki ang ngisi ni Randall sa gilid ko. Fck! Alam niyang distracted ako! Mabilis na nagsalita ang announcer at lahat ay naghanda na. Tinali ko ang leash at huminga nang malalim. Sinubukan kong hindi lumingon sa banda niya pero hindi ko talaga maiwasan lalo pa at bumabalik din ang tingin niya sakin. f*****g sht! Oh ano ha? Naaalala mo ba ako? Ako lang naman ang sinampal mo last year! I smirked. Sinuklay ko ulit ang buhok ko papalikod gamit ang aking kamay at kumalma. “Ikalma mo Jaron” halakhak ni Randall sa gilid at hinampas ang dibdib ko. Kinagat ko ang labi ko at sumakay na sa surfboard. Sana magtagal siya sa panonood para malapitan ko sya at makausap. Kaso kasama niya ang kuya niya, siguradong matitikman ko na ang cruelist... cruelsome.. threesome.. ah basta yung pinakamasakit na suntok sa tanang buhay ko na sinasabi niya last year. Pero oks lang, basta makausap ko siya at malaman ko ang pangalan niya. Halos isang taon din nung huli ko siyang nakita tapos hindi ko pa nalaman ang pangalan niya, nasampal pa ‘ko. Nagconcentrate ako sa pagpaddle. Malaking alon agad ang nakita ko sa malayo. Ito ang first heat kaya Alley oop agad ang gagawin ko. Smooth ko lang siyang nagawa. Nagflying kiss pa si Randall ng nalingon ko siya. Ang gago talaga. Lumingon ako sa malayo at nakita kong hindi ‘siya’ nakatingin. Nakababa ang mata niya at parang may kung anong ginagawa sa sketchpad. Umay naman! Tingin ka dito, nagpapapansin ako oh? Sunod-sunod at iba’t-ibang stunts ang ginawa ko sa bawat heat. Kailangan kong makakuha ng highest score para makapasok sa finals. Buti nalang at nasa last round na. Kampante ako sa mga stunts na nagawa ko dahil puro walang palya. Puro palakpakan lang ng mga tao ang naririnig ko sa malayo. Nakita ko pang winagayway ni Wendy, isa sa mga ex ko ang karatula na may nakasulat na Go J-A-R-O-N! Agad kong iniwas ang tingin sa maputi niyang legs at hinanap ang mga matang gusto kong makita. Nilingon ko ang banda niya at nakitang nakatayo na silang dalawa ng kuya niya at aambang aalis. Agad akong naalarma. Mabilis akong nagpaddle papalapit para lapitan siya. Nagmura si Randall sa likod ko pero diretso pa rin akong nagpaddle. Alam kong magkakapenalty ako kapag umalis ako pero hindi na ako nagpapigil. Mabilis na lumapit si mama sakin pagkatapak ko sa buhangin at hinila ako sa braso. “Bumalik ka dun Jaron! Ano bang ginagawa mo? Saan ka pupunta?” Lumingon sakin ang mga judges at umiling. “Ma, iihi lang ako” sabi ko na hindi naman niya pinaniwalaan. Mariin ang titig ko sa lumalayo ng dalawang pigura na papalapit na sa boardwalk. “Jusko ka Jaron, pwede ka naman umihi sa dagat!” Binagsak ko ang surfboard sa buhangin at patakbong lumayo sa dagat. Nasa boardwalk na silang dalawa kaya kelangan kong tumakbo ng mabilis. s**t! “Ah teka!” Hinihingal akong napatigil sa pagtakbo. Tumigil naman silang dalawa at lumingon sa akin. Umayos ako ng tayo at inayos papalikod ang buhok sabay ngisi nang malaki. “Hi!” Nakakunot ang noo ng kuya niya sakin habang siya ay nakakagat ang labing nakatingin sa akin. Parang walang pinagbago ang kaniyang mukha. Bukod sa mas mapula ang kulay ng balat niya ngayon kumpara sa dati ko siyang nakita ay wala ng nagbago sa kanya. “Stay at the back Yara” malamig na sabi ng kuya niya. Yara? Yun ba yung pangalan niya? “What do you want?” tanong sakin ng lalaki at nilingon ang dagat. “Aren’t you one of the surfers?” Napakamot ako ng ulo at lumapit. Malaki ang ngisi ko at sinigurado ko talaga na makikita ang pangmalakasang dimple ko sa kanan. Napatingin siya doon. “Ah oo. Gusto ko lang mag Hi, sa.. kay.. ano… kay Yara.” s**t! Bakit ako nauutal? Nakita kong sumilip sa braso ng kuya niya si Yara. Aba himala at hindi ako tinatarayan? Siguro takot ‘to sa kuya niya. Napangisi ako lalo. “Sorry to disappoint you but that’s not her name. Drop it and be back there. Let’s go,” at hinila niya papalayo si Yara. Isang beses pang lumingon sakin si Yara bago sumunod sa kuya niya. Hindi daw Yara ang pangalan niya pero ‘yun naman ang narinig kong tawag sa kaniya. Ang labo amp! Basta simula ngayon, Yara na ang ipapangalan ko sa kanya. Hindi ko alam kung makikita ko pa siya pagkatapos ng nangyari pero sana, oo. Galit na galit si mama pagkauwi namin ng bahay. Kahit nasa loob na ako ng banyo ay sigaw parin siya ng sigaw dahil hindi ako nakapasok sa finals. Gusto ko tuloy mag beatbox at sabayan ang imik ni mama. “Hayaan mo na Ma. Pinagbigyan ko na si Randall kasi parati naman ako ang champion. Araw-araw kasi siyang umiiyak dahil gusto niyang manalo,” pampalubag-loob kong sabi pagkalabas ng banyo at tumakbo na papasok ng kwarto bago pa ako mabato ng silya. Humiga ako sa kama at agad na kinuha ang cellphone at nagsearch sa f*******:. Sinubukan kong isearch ang “Yara” pero wala akong makita. Napachat tuloy ako kay Randal. To: master_Randall Erp! Yara yung name niya. Baka naman masesearch mo siya sa f*******:? “Remember me, though I have to say goodbye Remember me, don't let it make you cry For even if I'm far away, I hold you in my heart” Langya! Napabangon ako ng marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Binago na naman ni mama kainis! Hinihiram kasi ‘to minsan ng kapatid ko at nanonood ng Coco kapag nag Nenetflix si mama sa TV eh! From: master_Randall Hayop ka tol! Anong drama ang ginawa mo kanina? Pero thank you ha, kasi ako na to. Ako na ang champion sa finals for sure jejejeje To: master_Randall Oo na sige, minsan ka lang naman kasi manalo. So ano nasearch mo na? “Remember me, though I have to say goodb—” Mabilis kong pinindot ang message para hindi na tumunog ang nakakairitang ringtone. Bago ko basahin ang message ay pinalitan ko muna ang message ringtone sa cellphone ko. From: master_Randall Alaws eh. Ask ko si Zayn baka makikita niya. Binuksan ko ang camera ko sa messenger at nagpicture habang nakathumbs-up at sinend kay Randall. Pagkatapos ay pinatay ko na ang cellphone at natulog na nang maaga. Bitbit ang mga orders ay dahan-dahan akong naglakad papalit sa mga lamesa. Araw ngayon ng Sabado at tuwing ganitong araw ay dumuduty ako sa cafe ng pinsan kong si Matteo. Pandagdag allowance din lalo at ayaw kong humihingi ng pera sa mga magulang ko. Hindi kami mayaman, hindi din kami mahirap pero gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko at kaya ko namang gawin, at alam yun nina mama kaya naman pumayag siya agad ng malaman na magtatrabaho ako. “Thank you,” nakangiting sabi sakin ng babaeng kakatapos ko lang lagyan ng order sa mesa. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya at ngumisi pabalik. “Iba talaga ang kamandag ni bebequoh_Jaron. Balita ko hindi ka nakapasok sa finals ah?” Napalingon ako sa pinsan ko na kasabay kong naglakad pabalik sa loob. “Nakakasawa na kasing manalo kaya pinagbigyan ko na si Randall. Kelan pala ang finals?” “Next week ata. Kanina pang nagpapasikat si Randall sa dagat. Ang daming girls na nanonood.” Napailing ako sa sinabi niya. Sus. Sanay na ko dyan sa kaibigan ko na ‘yan. Kahit siguro sa mga isda, magpapasikat yan. “Nga pala, maaga akong aalis ngayon Mat. May group project kami sa boulevard,” sabi ko at lumingon sa babaeng maputi at may maiksing shorts na umoorder sa counter. “Sigurado ka na ba dyan? Maraming customer ngayon baka hindi namin kayanin ang magserve.” “Oo eh. Baka hindi ako ilista ng kagroup ko kapag hindi ako umattend.” “Sus baka naman kagroup mo si Nikita at makikipag make-out ka lang mamaya,” nagsmirk siya sakin at binatukan ako. Syempre hindi ako aamin. “Mukha ba akong nagbibiro?” tanong ko at sumulyap sa kakapasok lang na babae na nakashorts at oversized shirt. “Oo mukha kang gago.” Fuck! Para na nga siguro akong gago dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko ngayon! She’s here! Yara! Mag-isa siya at agad dumiretso ng counter para umorder. Nakaplaster na naman ang masungit niyang mukha na ibang-iba sa nakita ko kahapon. Pagkatapos umorder ay umupo siya sa may bandang kaliwa ng cafe. Hinila ko si Matteo sa gilid at kinausap. “Matteo! Sabihin mo kay Janus na ako ang magseserve kay Yara.” Humalakhak siya nang malakas at sinenyasan si Janus na lumapit sa amin. “Janus, pagbigyan lang natin ‘tong nababaliw kong pinsan ha. Pero siya muna magseserve dun sa part mo. Switch nalang muna kayo.” Nang tumango si Janus ay agad kong inayos ang sarili ko. Inamoy ko pa ang bibig ko kung maaamoy ba ang sigarilyo na hinithit kanina. Fck! Kung alam ko lang na pupunta siya dito edi sana hindi ako nagsigarilyo. “Oh Jaron, iserve mo na sa prinsesa mo.” Kinuha ko ang tuna pesto na order niya at green apple na fruit tea. Naglakad na ako papalapit na hindi man lang siya tumitingin sa akin at prenteng nakaupo lang at nagcecellphone. “Here’s your order Ma’am” sabi ko at inayos ang order sa mesa. Mabilis niyang inexit ang app sa cellphone niya. Sayang! Hindi ko nakita ang profile nya sa f*******:. Mataray niyang hinila papalapit ang fruit tea at uminom doon. Wow. Parang hangin ako dito ah. “So, bakit mag-isa ka at wala ang kuya mo?” hindi ko na napigilang itanong. Baka kasi mamaya ay biglang may mag-eskandalo dito. Kinagat niya ang straw at tumingala sa akin. Bakit… parang.. hindi na maging Engineer ang pangarap ko? “Do I know you?” Anak ng tokneneng naman ‘to! Ayoko na ngang maalala na sinampal niya ako dati eh! “Ako nga pala ‘yung sinampal mo last year tapos yung lalaki kahapon sa boardwalk, yung surfer? Naaalala mo?” ngumisi pa ako lalo nang nakita kong napatingin siya sa dimple ko. Kumunot lang ang noo niya at nagsimula ng kumain ng pasta. “As far as I know, I paid for this seat. So apparently, this is my seat. And I want you to go away and get lost!” Aba’t! Padarag akong tumayo at binaliktad ang silya na inuupuan ko. Napalingon tuloy sakin si Matteo at nagbigay ng warning look, napatingin kasi sakin ang mga customer. Syempre gwapo ako eh. Inayos ko ang upuan at naupo ulit. “Bakit wala akong makitang pangalan mo dito kung binayaran mo ‘to?” Nagtaas siya ng kilay at huminto sa pagkain. Akma niya akong bubulyawan nang ilapat ko sa bibig niya ang hintuturo ko para tumigil siya sa pagsasalita. “Joke!” naalala ko na hindi pa nga pala niya ako kilala, kaya siguro siya nagtataray. “Jaron Edric Maravilla nga pala. Pero pwedeng baby nalang for short,” umupo ako nang maayos at naglahad ng kamay sa kanya. s**t! Pasmado pa naman ang kamay ko, nakakahiya. Nandidiri niyang tinignan ang kamay ko at hindi man lang tinanggap! Grr! “Tss. Baby? Do you still drink milk from your mom?” Binaba ko ang kamay at nagpunas gamit ang tissue na nakuha ko sa lamesa niya. “Syempre hindi. Pero kapag sayo, bakit hindi?” “Baliw ka ba?” Napatuwid ako sa pag-upo at nagulat sa pagtatagalog niya! “Oo. Baliw na baliw sayo.” Ngumiwi siya sa sagot ko at ilang segundo lang ay tumayo siya dala-dala ang fruit tea! Narinig kong nagsalita siya ng “Freak” bago diretsong lumabas ng café. Ni hindi man lang niya halos nakain ang pesto! Yari ako neto kay Matteo! Baka isipin nun na pinalayas ko ang customer niya. Dumating ang finals at nanalo nga si Randall. Halos halikan niya ang trophy sa harap ko para ipamukha sakin ang pagkapanalo niya. Tss. Kung hindi ko lang naman nakitang aalis sina Yara ay hindi ako mabibigyan ng penalty. And speaking of, ‘yun lang ang pangatlo naming pagkikita. Dahil pagkatapos ng eksena sa café ay hindi ko na ulit siya nakita. Yun nga lang sa tuwing may kahalikan ako at napapapikit ako ay mata niyang nagtataray ang nakikita ko. “Ano ba Jaron! Pwede bang tignan mo ako habang naghahalikan tayo?” Napamulat ako ng mata at tinignan si Nathalie na may nanlilisik na matang nakatingin sa akin. “Ang hirap naman ‘nun babe.” Umiling siya. “Don’t tell me totoo yung sinabi ni Randall?” Eto na naman. Langya kasi tong si Randall pinagkalat ba naman na hindi pa ako nakakamoved on kay Yara. “Na ano?” patay malisya kong tanong habang inaayos ang butones ng uniform ko. “Na may gusto kang iba at hindi ka pa din makamoved on sa kaniya. Sino ba yon? At ano ang gagawin ko para mabaling sakin ang atensyon mo?” Tsk. Lumapit ako sa kaniya nang makita kong paiyak na siya. Eto ang ayoko sa mga babaeng nakakafling ko. Umaasta sila na committed kami kahit na una palang alam nilang walang patutunguhan ‘to. “Sorry Nathalie. Pero hindi naman totoo yung sinasabi ni Randall. Hayaan mo at bubugbugin ko mamaya ang mukha nun.” Kaya naman pagkatapos ng klase ay agad akong dumiretso sa SHS department ng school dahil alam kong nakatambay na naman ‘to sa room ng girlfriend niya. “Gago ka talaga Randall. Wag mo nga ipagkalat yung kay Yara,” bungad kong sabi sa kanya pagkalabas niya ng room. Nakabukas ang tatlong butones ng uniform niya at may hawak siya na ballpen. “Sus. Bakit hindi ba totoo?” “Tanga. Hindi ako makadamoves sa mga babae ko dahil sa mga pinapakalat mo eh.” “Akala ko ba one woman ka bro?” “Ulol! Matagal ko ng kinalimutan ang mataray na babaeng yun.” Ngumisi ng nakakaloko ang loko at biglang may tinuro sa likod ko. “Is that her?” Sa pag-aakalang iisa kami ng tinutukoy ay agad akong napalingon sa aking likod. Halos suntukin ko na si Randall nang marinig ko ang tawa niyang mala-demonyo. “Got you. Moved on pala ha.” Halos araw-araw nila akong niloloko ng ganon ni Josh. Minsan hindi ko nalang pinapansin pero madalas ay lilingon ako kapag hindi na sila nakatingin sakin. Nagbabakasali na totoo na ito at makikita ko ulit siya, pero wala. Lumipas ang ilang buwan at wala pa rin siya. Kasalukuyan kaming nasa palengke ni mama. September 2 na kasi bukas at birthday na ng kapatid ko. Parang kailan lang ay nanonood pa ng Coco yun pero ngayon, puro t****k na ang gustong panoorin. Syempre, kanino pa ba magmamana? Syempre hindi sakin. “Ma, matagal pa ba tayo? Manonood pa ako ng live FIFA sa youtube eh.” Hindi pwedeng hindi ko mapanood ang paborito kong soccer player na si Lionel Messi. “Mag-antay ka Jaron. Oh eto hawakan mo ang mga pinamili ko.” Inabot sakin ni mama ang sangkaterbang plastic. At dahil sa tinatamad na paraan ko itong kinuha ay halos mabitawan ko ang mga plastic. Ang bigat! Nahulog tuloy ang mga patatas! Akma ko itong pupulutin nang naunahan akong pulutin ito ng babae na ngayon ay nakayukong kinukuha ang apat na piraso ng patatas. Hindi ko makita ang mukha niya kaya naman ng tumayo ito at inabot sakin ang mga patatas ay halos alisan ako ng ulirat. Hangang dibdib ko lang siya at maamong pinapasok sa plastic ang mga patatas na hindi ko na matignan dahil nakatitig na ako sa mukha niya! “Yara?” tanong ko bigla at tinitigan pa siya ng mabuti. Baka kasi namamalikmata lang ako kagaya nitong nakaraan. Hindi siya sumagot at nilagpasan lang ako ng tingin pagkatapos ay naglakad papalayo. Shit! That’s her! Pero bakit parang hindi niya ako maalala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD