Past Lumipas ang ilang gabi at aalis na ako. Kasalukuyan ko ng nililigpit ang aking mga gamit at hinihintay na lang sila Draco at Lauriel. Ayon sa kanila ay may ibibigay daw ito sa akin bago ako maglakbay muli. Ilang iyakan at drama ang nagsilabasan kagabi dahil nga sa aalis na ako. Nakakatawa nga isipin dahil sobrang mugto na ng mga mata nila Treyni pagkatapos ng inuman naman ulit namin kagabi. Tanging kaming lima lamang ang nagsasaya nang gabing iyon, hindi ko mahagilap si Nola. Kahit ang presensiya nito ay hindi ko talaga naramdaman. Sa tingin ko ay labis ang galit nito sa akin dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya at hindi ko man lang ako nagpaliwanag. "Hayaan mo muna si Nola," napalingon naman ako sa taong nagsalita at nakita si Treyni na naka-ngiti lamang na nakatayo sa may pinto.

