Past Kasalukuyan akong nanatili ngayon dito sa loob ng kwarto ko. Ayaw ko munang lumabas dahil medyo na pagod ako sa ginawang paglalakbay namin, dagdag ko pa na ginamit ko ang aking kapangyarihan bago makapag-pahinga. Bumuntong-hininga muna ako bago ko binuksan ang aking bintana, gusto ko makalanghap ng sariwang hangin. Sa pagbukas ko ng pinto ay siya naman ang pagsalubong ng sariwang hangin sa aking mukha, bahagya pa akong napa-pikit dahil dito. Hindi nagtagal ay naglakad ako patungo sa aking higaan at binagsak ang aking katawan dito. Ramdam ko ang pagkalma ng aking katawan at ang masarap na pakiramdam nang tumama ang malambot na kama sa aking balat. Ipinikit ko lamang ang aking mga mata at sinubukan na matulog. Gusto ko kalimutan ang plano ko sa mga susunod na araw. Gusto ko kalimuta

