Past Lumipas ang gabi at wala rin kaming masiyadong ginagawa. Tahimik na ang paligid at tanging paghampas lamang ng mga dahoon sa isa’t-isa at ilang tunog na mula sa insekto lamang ang aking naririnig. Kasalukayan nang natutulog ang aking mga kasama, samantalang ako naman ay nanatiling nakatingin lamang sa magandang kalangitan na punong-puno ng mga bituin. Sobrang sarap sa pakiramdam na ang lamig-lamig ng hangin, bigla naman bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari kanina. Ang mga sugat na natamo ng aking mga kasama at ilang sakripisyo nila upang maprotektahan lang ang isang katulad ko. Tama ba ‘to? Tama pa ba na manatili ako sa kanilang tabi? Tama pa ba na idadamay ko sila sa aking mga problema? Siguro nga ay tama na. Ayaw ko sa susunod na mangyari na naman ulit ito ay may mawala na sa

