Past "Ano ang nangyari dito?" Nagtatakang tanong ni Draco habang kinukusot ang mga mata. Sa tingin ko ay sarap na sarap na ito sa pagtulog ngunit bigla na lamang siyang nagising sa aking sigaw. Nag-aalalang tinignan ko silang lahat at tinuro ang daan kung saan tumakbo ang dalawa. "Ang lalaking humabol sa akin!" Sigaw ko, lumaki ang mga mata ng mga kasama ko at nagmamadaling tumakbo sina Draco at Sam. Lumapit naman sa akin si Treyni, samantalang si Lauriel naman ay naglakad patungo sa puno na may naka-tusok na isang kutsilyo. "Mukhang may balak ka talagang patayin ng taong iyon," saad ni Lauriel. "Lauriel!" Saway ni Treyni, "Ayos ka lang ba?" Hindi naman ako maka-imik dahil sa gulat. Alam ko na gusto ako nitong patayin ngunit bakit parang ayaw yata ako nitong tantanan? Ano ba mayro'n

