Hindi ko alam kung paano ko sasagutin si Nola gayong wala lang naman talaga kaming dalawa. Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon na magkatabi kami ni Nola. Hindi rin ako mapakali dahil sa ginawa nitong paghalik sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman o kung ano man ang dapat kung maging reaksiyon. "Kori?" Tawag nito ulit sa akin. Mabilis kong iniwas ang aking tingin at tinignan lamang ang kalangitan. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko naisipan na sagutin ang kaniyang katanungan. "Kaibigan ko lamang si Nero," bulong ko, "Naging malapit lamang kami sa isa't-isa dahil sa nangyari sa aming organisasyon. Siya rin kasi ang nagsagip sa akin kanina kaya medyo napalapit ang loob ko rito." Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kaniya? Bakit pa ba kailangan ko sab

